Posted in Uncategorized

Oda sa Telon*

Larawan mula sa weblo.com

Huwag mong tabingan
Ang doble-karang mukha:
Isang may halakhak
At isang may luha
Puti at itim
Liwanag at dilim…

Ipakita mong magkasi
ang lungkot at lumbay,
kabigua’t tagumpay
takot at tapang,
lahat ng magkaibayo
sa larangan ng buhay.

Huwag mong ikahiya ang iyong kahubaran
Ang susong naglawit
Ang iyong kaselanan:
Bagkus ihantad ang katotohanang
Marupok ang tao.

Gayunman huwag mong lunurin
Sa kumunoy ang bawat puso:
Huwag ipako sa pangangarap
At panganganino.

Ipakita mo ang liwanag
Sa pagitan ng ilaw-dagitab.
Iguhit sa telon ang mga pangangarap
Gayundin ang pakikihamok
Na totoong malaganap:

Sikmurang walang laman.
Mga matang luhaan.
Mga bisig na batak at pagal.
Mga kaluluwang sugatan.

Ipamarali mo, o telon at lente ng kamera:
Ang katotohanang ibig ikubli
Sa mga uhaw na mata at lutang na isip
Niyaong halimaw na sa dugo mo ay ganid.

Nalathala sa Punto!, Pebrero 2007

Author:

Isa lamang ordinaryong miron at mapangarapin si Noel Sales Barcelona na nagnanais magsulat ng hinggil sa kaniyang nadarama.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s