Posted in Other, poem

Isa pang Oda sa Telon

Muli
aawitan kita.

Ikaw na may dalawang mukha:
isang nakangiti, isang luhaan.

Huwag mo sanang ipagkait
sa bawat buga ng liwanag

at pag-agaw, pagkaminsan
ng pusikit na kadiliman,

ang mga larawan
ng sarili kong buhay

at buhay din naman
ng kapwa ko tao.

Huwag mo sanang ipagkait
sa aking pandama

ang sakit
ang sarap
ang alwan
ang hirap

sapagkat minsan din naman
kahit sa ilusyon

naipakikita ang katotohanan
at nahahantad ang kasinungalingan

nilang namamanginoon
na ibig iligaw ang pusong pumipintig

ang isip na nagsusuri
at kaluluwang kumikinig.

Unang nalathala sa isang lumang blog noong 2007.

Author:

Isa lamang ordinaryong miron at mapangarapin si Noel Sales Barcelona na nagnanais magsulat ng hinggil sa kaniyang nadarama.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s