Posted in homeland security and anti-terrorism, Other, poem

9/11

Photo courtesy of Gina Cobb (http://ginacobb.typepad.com/)

tatlong numero’t isang petsa
ang yumanig sa lahat ng mga bansa
ang pagsalpok ng eroplano
sa naghuhumindig na edipisyo
ng dolyar at negosyo – ang WTC
ay naghatid ng kakaibang
hugong ng hilakbot sa buong mundo.

naging libingan ang Ground zero
ilang buhay ang kinitil ng diumano’y terorismo
at tinukoy ang puno ng teroristang sindikato:
si Osama bin Laden at mga Talibano

upang masugpo ang gawang kahibangan
isinugo ni Uncle Sam ang kanyang sandatahan
upang wasakin ang makasaysayang Afghanistan
at palayain kuno ang mga Afghan
ngunit sa pagsugpo ni Uncle Sam sa teroristang karahasan
ay libu-libong inosenteng sibilyan ang inililibing araw-araw
ng digmaang American-style

matapos ang pangyayari noong 9/11
araw-araw, ngayon, sa buong daigdigan
may inilulunsad ng giyera kontra-terorismo si Uncle Sam
at ang pamamaraan niya ng pagsugpo sa karahasan
ay karahasan ding ala-911!

Author:

Isa lamang ordinaryong miron at mapangarapin si Noel Sales Barcelona na nagnanais magsulat ng hinggil sa kaniyang nadarama.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s