Posted in Other, poem, Uncategorized

bago man lamang magpaalam ang gabi

Bago man lamang magpaalam ang gabi
Hayaang muli kong balikan
ang alaala ng nagdaang mga maghapon
Kung kailan kasama kita.
At tipunin na parang dayami
ang iyong mga ngiti at halakhak,
ang iyong luha at pighati,
at parikitin iyon sa kalan
Upang kahit paano ay mainitan
ang nanlalamig kong kaluluwa
na unti-unting niyayapos ng kadiliman
at kahiwagaan ng gabi.

Bago man lamang matapos ang gabi
Hayaang tanawin ang lumalamlam
na kislap ng mga tala’t bituin
na parang diyamanteng nagluluningning
sa leeg ng isang maharlika.
Hayaang isiping mga luha mo iyon
na unti-unting dumadaloy para diligin
ang nanunuyo kong pakiramdam.

Bago man lamang matapos ang gabi
ay hayaang awitin ko ang hikbi at hibik
at ipalamon sa pusikit na kadiliman
ang kalungkutang aking nararamdaman —
Para sa pagpanaw ng gabi at pagsilang ng araw
ay tuluyan nang maparam ang kahapisan
ng dulot ng ating maagang paghihiwalay
at ang alaala mong kaytamis, kayganda
ay hayaang paglaruin sa init ng araw…

Author:

Isa lamang ordinaryong miron at mapangarapin si Noel Sales Barcelona na nagnanais magsulat ng hinggil sa kaniyang nadarama.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s