Posted in nationalist artists, non-fiction, peasant and fisher-folks issue, people's war, poem

Ngayong maulang gabi, susulat ako ng tula ng dalamhati – hindi ng pamamaalam

Alexander Martin C. Remollino (Agosto 6, 1977 - Setyembre 3, 2010) - makabayang makata at peryodista

Sa alaala ni Alexander Martin C. Remollino (Agosto 6, 1977 – Setyembre 3, 2010)

Sa gabing maulan
at nagtatago ang buwan
sa mga alapaap
ay tutula ako ng tula ng dalamhati
subalit hindi ng pamamaalam

sapagkat ang yapos at kilik
ng hanging malamig
na humahaplos sa mga talahib –
kagaya ng mga damo sa kaparangan
kung saan nasaksihan nila ang iyong kadakilaan
ay pagpapaalaalang hindi ka lumayo
bagkus, naririyan ka lamang.

at muling makikita ka
sa bawat ngiti at tangis ng masa
sa bawat igik at hagikhik ng balana
sa bawat tangis at ngiti ng sanggol na kalong ng ina
ay makikita kita…

sa bawat demonstrasyon at piketlayn ng obrero at obrera
sa bawat pakikibaka’t pagsulong ng magsasaka
sa bawat gabi ng kapayapaan at digmaan
sa bawat putok ng baril at kanyon dahil sa Digmang Bayan
sa bawat pag-aaral ng galaw at daloy ng lipunan
sa bawat pagkakaisa’t tunggalian
ay makikita kita.

Kaya nga ngayong gabing masinsin
ang patak ng ulan sa aking bubungan
at habang nagtatago ang buwan
sa mga alapaap
ay tutula ako ng tula ng dalamhati
ngunit hindi ng pamamaalam

dahil nababatid ko, nababatid kong
ang kagaya mong nagmahal
at umibig nang tapat sa masa at Bayan
ay nagiging imortal
at hindi kailanman mamamaalam —
lagi ka lamang naririyan, nagmamasid
sa bawat tagumpay at kabiguan
ng masang iyong pinaglingkuran.

at ngayong gabi,
habang nagtatago ang buwan
at maging ang nagkikislapang mga bituin
susulat ako ng tula ng dalamhati
subalit hinding-hindi ako sa iyo
mamamaalam at hihintayin kita sa sabana
at sa pithaya ng Internasyunal
ay yayakapin kita sa pulang bukangliwayway!

Author:

Isa lamang ordinaryong miron at mapangarapin si Noel Sales Barcelona na nagnanais magsulat ng hinggil sa kaniyang nadarama.

One thought on “Ngayong maulang gabi, susulat ako ng tula ng dalamhati – hindi ng pamamaalam

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s