Posted in Other, poem

Awit ng Isang Ulilang Kaluluwa*

Baog kang tulad ng lupa sa panahon ng tagtuyot
Ngunit nagnasang mangagtusak ang damo sa iyong pusod.
Dalawang siklo at dalawa ng salakata
Dalawang siklo at dalawa ng pagdurusa…
Ngayo’y muling sumisibol ka,
Upang akitin ang kurukutok na nagdapo sa sanga.

Sakbibi ako ngayon ng kalungkutan,
Ayaw ko mang lumuha’y luha ay hindi mapigilan.
Nasaan ang iyong paglingap,
Thor na siyang nag-aangkin ng lakas?
O! Anong saklap ng tadhanang
Sinapit ng aking abang kaluluwa.

Magkasalikop ang palad sa pagdarasal
Awit ng birheng kinaposl ng dangal.
Lambong sa ulo ng marangal.
Ahit na tuktok ng isang bodhisattva.
Yasodang Ina ng pagpapala
Ampunin mo nawa ang magandang kaluluwa!

At darating ang Isa
Dala niya’y panibagong lakas.
Sa lakas ng kanyang bisig, takot sa dibdib ay malalansag.
Aaluin ang nagsisiluha,
Yayapusin ang mga pusong sugatan
Palalayain ang nangabilanggo ng sariling gusto
At bibigyang katarungan ang inapi sa mundo.
At sa gitna ng kalupita’t kawalang puso —
Darating ang katuparan ng isang pangako:
Puso’y hahatiran ng pag-ibig na paraiso…

Nalathala sa The Catalyst, Vol. XVI No. 3, sa pangalang-sagisag na Fil I. Pinas. Bahagyang binago para sa internet edition na ito. – NSB

Author:

Isa lamang ordinaryong miron at mapangarapin si Noel Sales Barcelona na nagnanais magsulat ng hinggil sa kaniyang nadarama.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s