Posted in Other, poem, social realism, state terrorism and/or fascism

nasaan ka na nga ba?

hinanap kita
sa kubling sulok ng isip
at pilit na inapuhap,
sinilip sa kalamnan ng puso
subalit bigo akong masulyapan man lamang
ang himaymay ng iyong pinapawid na anino.

maging sa pagitan ng mga parirala
sa singit-singit ng mga titik
ng isang sanaysay o tula
ngunit wala ka roon.

nasaan ka na nga ba?

muli kong binalikan ang mga lansangan
na niyapakan ng iyong maliliksing mga paa
at nilasahan ang alikabok sa mga kalyeho’t
dingding ng mga barung-barong
sa kanayuna’t lungsod na hinimpilan mo
ngunit wala.

nasaan ka na nga ba?

tinanong ko ang hangit at ang buwan
ang mga alitaptap at kuliglig sa parang
subalit pipi sila – aayaw nilang sumagot
sa mga sigaw at daing ko

buntung-hininga
kabog ng puso
ang kasama sa tuwituwina
sa panahong ako ay nag-iisa

mayroong mga gabing maging sa panaginip
ay hinahabol kita, ngunit hindi ka maabutan
o magkadaop man ang ating mga kamay
ang mukha mo naman ay hindi mabanaagan…

ngunit patuloy na umaasa
na isang araw ay susulpot ka
sa harap ko at yayakapin ako…

ngunit,

nasaan ka na nga ba?

Author:

Isa lamang ordinaryong miron at mapangarapin si Noel Sales Barcelona na nagnanais magsulat ng hinggil sa kaniyang nadarama.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s