Posted in Other, poem

Repleksiyon

Inaninaw ang sarili
Sa salamin ng budhi
Ang inirehistrong anino
Ay anag-ag lamang ng pagkatao.

Muling sinipat sa tubig
Ang damdami’t isip
Ngunit ang tanging nahagip
Ay aninong pinalabo ng kilapsaw sa batis.

Hinahanap-hanap ko
Ang sariling anino
Sapagkat ang kasalukuyang anyo
Ay parang isang bangang basyo.

Hanapin kaya sa buntot ng bahaghari?
O sisirin sa tubig na papakati?
O habulin sa papatakas na kalapati?
O hagipin sa pakpak ng alitaptap kung gabi?

Subalit hindi, sagot niyaring puso
Ang anino ng sariling pagkatao
Ay iyo lamang mapagtatanto
Kung yayapusi’t hahagkan ito…

Author:

Isa lamang ordinaryong miron at mapangarapin si Noel Sales Barcelona na nagnanais magsulat ng hinggil sa kaniyang nadarama.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s