Posted in Other, poem

sapagkat ang puso’y lagi’t laging umaasa

marahil nga, totoo
na nasanay ang puso
nahirati’t nabalaho
sa hardin ng mga pangako

at natutong mangunyapit
sa salitang nilubid
sa hangi’t buhangin
sa asin at tubig

lubid na kapag nahabid
sa dibdib at isip
ay tanikalang bibigti
sa muni at bait!

gayunman dahil nga nahirati
uuwi sa pugad, gaya ng kalapati
at doon palililimlim sa pamamag-asang iwi
ano’t puso’y wala na yatang muni?

subalit gaya ng asin, sa patak ng ulan
pamamag-asa’y mawawala’t matutunaw
at kapag nangyari’y saka malalaman
pag-asa’y dapat tanglaw, at hindi lambong
na takip sa iyong balintataw!

Author:

Isa lamang ordinaryong miron at mapangarapin si Noel Sales Barcelona na nagnanais magsulat ng hinggil sa kaniyang nadarama.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s