Posted in poem, protest poetry

Pangitain

Apoy ang bawat talsik ng dugo
Buhat sa bungong halos mawarak
Dahil sa halihaw ng hampas
Niyaong mga aso ng Bahay na Puti.

Unang apoy sa pugon
Ng pusong nag-uumulol.

Samantala, asupreng inapuyan
Ang wasak na pusong
Nilagusan ng punglo
Doon sa kanayunan.

Siit na panggatong
Sa kaluluwang nag-uumapoy.

Alipatong sumagitsit
Sa hanging amihan
Ang sigaw ng babaing
sa loob ng karsel ay pinagpaparausan.

Aserong pantatak
Sa salang ‘di mabilang.

Bagang pumupugnaw
Ang luha ng batang inulila
Dahil ang sintang magulang
Nilamon nilang gahaman.

Nag-uunahang talim
Ng matalas na kidlat.

Wala mang pag-imik
Buhat sa iyong silid—
Alam namin
Saksi mo itong lahat.

Sa mga kamay mo
Nagmula ang majia negra*
Nilang naghahari-harian
Nilang salabusab.

Subalit kaiingat ka, Reyna—
Dahil ang liyab
Sa puso’y nasa
Pintuan mo na!

Author:

Isa lamang ordinaryong miron at mapangarapin si Noel Sales Barcelona na nagnanais magsulat ng hinggil sa kaniyang nadarama.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s