Posted in poem, protest poetry

Kay Inang Laya: Mula sa iyong mga anak

Lumuluha si Inang Laya.

Tinatakan ang kanyang noo—
Subersiyon! Kaya dapat lamang
Ikulong sa mabaho’t masikip na karsel.

Sa kanyang puso
Gapos ng takot,
Agam-agam
Ang nakapalibot.

Tanikalang ikinuwintas
Sa kanyang magandang leeg—

Katahimikan ng libing,
Lamig ng hangin
sa panahon ng pagripa
sa kayumangging mga Kristo!

Pebrero 24 nang gahasain
Ang diwa mo, Inang Laya!

Sa petsang iyan
Nang hubarin ang dangal mo
Nilang mga sukaban.

Ngunit—

Huwag kang tumangis
Ina.

Huwag kang matakot
Ina.

Huwag kang manahimik
Ina.

Nagbigkis ng tapang
Ang iyong mga anak.

Sampung haplit sa iyo—
Daan naman ang sa kanila!

Hindi titigil ang Digma
Hanggang ikaw’y lumaya!

N. B. : Itong tula’y ukol sa pagpataw sa buong ng state of emergency ng rehimeng Arroyo na naging dahilan din sa malawakang pagdakip sa mga aktibista at mga matatalas na kritiko ng gobyerno, kabilang na ang tinaguriang Batasan 5 na sina Satur Ocampo, Liza Maza, Crispin Beltran (SLN), Teodoro Casiño, at Rafael Mariano.

Author:

Isa lamang ordinaryong miron at mapangarapin si Noel Sales Barcelona na nagnanais magsulat ng hinggil sa kaniyang nadarama.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s