Posted in poem, protest poetry

Apocalipsis

Angaw-angaw na buhay
Ang inagaw ni Kamatayan
Dahil ang nasa: sikmura ay malamnan.

Silang mayroong pangalan
Ngunit hindi maalaala
Silang ‘di kilala ngunit larawan ng milyong dalita.

Sila rin ang siyang mukha,
Larawan ng libong hapis
Na malaon nang kuyom sa dibdib.

Ngunit ang sigok at hikbi
Ay tutop lamang sa bibig
Sapagkat kapag narinig ng panginoon: pagkaduhagi!

Silang daan-daang kaluluwang sugatan
Silang hiyaw at dagundong ng milyon-milyong
Pusong gahak, wasak at luhaan.

Silang bawat oras, hihinga-hinga
Gumagalaw man at kumikilos
Kapag pinagmasdan mo’y buhay na mga bangkay!

Hindi mo man aminin—
Ikaw at iyong mga kasapakat
Ang may kagagawan nitong salakhati’t hirap.

Ikaw, ikaw na nasa trono ng masamang kayamanan
Ikaw na lumalamon ngunit hind nagbubungkal
Ikaw na may yamang kinamal mula sa dugo’t luha ng anakpawis:

Darating ang araw na ang paghalakhak mo ay hihinto
Mapapalitan ito ng pagluha’t pagsusumamo
Ngunit magiging bingi, maging ang langit, sa iyong pagsamo:

Gaya nang damo, ikaw ay matutuyo
Talahib na mapaminsamala sa palay at trigo
Manginig ka’t sumasapit na ang araw!

Mangatal ka, ikaw na damong masama
Ikaw na lintang buya sa dugo—
Nariya’t naglalagablab ang milyong sulong susupok sa’yo!

Author:

Isa lamang ordinaryong miron at mapangarapin si Noel Sales Barcelona na nagnanais magsulat ng hinggil sa kaniyang nadarama.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s