Posted in Marxist Aesthetics, poem, protest poetry, social realism, state terrorism and/or fascism

Patak ng dugo’y binhing mabubuhay at hahatol sa kanilang sukaban

Ginapos kayo’t binalian ng pakpak
Upang sa huwag makahalik sa langit na asul…
Habang sila ay humahalakhak, luha’t dugo naman ninyo’y pumapatak:
sa sahig at sa pader samantalang niroromansa ang laman ng kuryente’t baga ng sigarilyo.

Para kayong mga bakang nasa katayan –
na naghihintay na lamang ng unday
upang tuluyang bumulagta.
Subalit napipilan at napipigilan sila
dahil tigatig din sa nagkakaisang tinig
na nananawagan upang kayo’y lumaya.

Dapat ngang mapipilan sila
dahil ang dugong nasa kanilang kamay
mananariwa’t mabubuhay –
sa katauhan ng sambayanan
na lalaban at sa kanila’y tutugis
lilitis at hahatol gamit ang patas na timbangan!

Author:

Isa lamang ordinaryong miron at mapangarapin si Noel Sales Barcelona na nagnanais magsulat ng hinggil sa kaniyang nadarama.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s