Posted in bureacraticism, clan politics, Marxist Aesthetics, poem, protest performance, protest poetry, social realism, state terrorism and/or fascism

Tulay ng Mendiola

Sapagkat bawat hakbang ng mga paa

Makasaysayang tulay ng Mendiola: ang pinakabunganga patungong bituka ng kapangyarihan: Ang Palasyo ng Malakayang. (Larawan mula sa http://senorenrique.blogspot.com/2008_01_01_archive.html

sa bato at aspalto mo o,
daang patungong luklukan
ng kapangyarihan ng Estado
ay isang pakikipambuno
sa tadhanang isinulat na ng kasaysayan:
Pagnanasang ilagay sa kamay
ng mga mamamayan, na siyang tunay na may-ari
ang baston ng kapangyarihan.

Kahit pa sabihing dugo at buhay
ang maaaring mawala
sa pakikipagtalo-sira
sa mga de baril, may tabing ang mukha
at may tangang pamalong
pangharibat sa mga nagnanais na makasulong
kahit man lamang sa paanan mo, o tulay ng Mendiola –
hindi namin iniinda.

Dahil malaon nang nasa
na maisigaw sa mga binging panginoon
ang hinaing ng mga mamamayang
patuloy na inaaba at pinapatay
ng gutom, hilahil, pangamba
ng karahasan ng mga halimaw
na nagkukubli sa anino
ng sinasabing paglilingkod bayan
ngunit ang totoo’y pananalabusab
ang tanging alam.

Kaya nga, o tulay na nabuo sa kasaysayan
hindi kami tutugot hangga’t ang kamao
at mga talampaka’y makatawid,
sa mga aspalto at bato mo o Mendiola,
at sa tungki ng mga armas
na nakatutok sa mukha ng halimaw
na may tatlong pangalan: Imperyalismo,
Burukratang Kapitalismo at Pyudalismo
ay tuluyang maagaw
ang Palasyong nasa dulo mo,
O Tulay ng Mendiola!

Nalathala sa Facebook noong Enero 16, 2010

Author:

Isa lamang ordinaryong miron at mapangarapin si Noel Sales Barcelona na nagnanais magsulat ng hinggil sa kaniyang nadarama.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s