Posted in imperialism, Marxist Aesthetics, people's war, poem, protest poetry, social realism

Hindi nasasayang ang dugong dumilig sa lupa, kapatid

Hindi kailanman sayang ang buhay
na iniaalay para sa lupang tinubuan.

Hindi kailanman isusuka ng mga bukirin
ang dugo ng Mandirigmang sa kanya’y dumilig.

Ni itatanggi man ng kagubatan
Na siya ang nagkubli sa inakusahang mga “tulisan.”

Sapagkat hindi lumilimot ang Bayan
sa kanya’y tunay na nagmamahal.

Iniuukit niyang malalim, sa kanyang puso,
ang kanilang mga pangalan.

Hindi niya ipagkakait ang bisig
Sa naghihingalong Anak niya’t Kaniig.

Habang tumitindi, nagngangalit
ang Digmang sumasagitsit –

Asahang ang lupang sumalo’t sumipsip
Sa pulang-pulang dugo ng bayani’t martir

Siya ring panandang gagamitin
Sa pagtitik ng kasaysayan ng paglaya natin.

Enero 18, 2010

Lungsod ng Antipolo (Unang nalathala sa Facebook)

Author:

Isa lamang ordinaryong miron at mapangarapin si Noel Sales Barcelona na nagnanais magsulat ng hinggil sa kaniyang nadarama.

One thought on “Hindi nasasayang ang dugong dumilig sa lupa, kapatid

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s