Posted in biopiracy and other peasant issues, environment and environmental issues, imperialism, international trade/World Trade Organization, peasant and fisher-folks issue, poem

Wala nang halamang sari-sari sa bahay kubo

May mahihita pa ba, kung ang bahay kubo ni Juan Magsasaka ay wasak na, wala na ang lupa't ang katutubong binhi'y pinirata na ng dayuhang kompanya? (Larawan mula sa http://www.mamalisa.com/)

Wala nang singkamas at talong
na sisibol sa paligid ng kubong munti.
Maging sa mga bakod, wala nang naggapang
na sigarilyas at mani
sitaw, bataw at patani.

Baka sa susunod ay di na matikman
kundol, patola, upo’t kalabasa
labanos at mustasa
Baka di na sumayad sa sikmura
ang sibuyas, kamatis, bawang at luya
pati na ang galisang linga.

Sapagkat ang kubo ay wasak na
wala na ang lupa
nasa panginoon na.
Maging ang mga gulay, binhi man o buto pa
Hindi na rin kayang bilhin ng mga magsasaka
Sapagkat ang halaman, puno at bulaklak
Ari na ng kumpanya!

Unang nalathala bilang tala sa Facebook, Enero 07, 2010

Author:

Isa lamang ordinaryong miron at mapangarapin si Noel Sales Barcelona na nagnanais magsulat ng hinggil sa kaniyang nadarama.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s