Posted in Uncategorized

Uy, Ka Bel

(Para kay Anakpawis Rep. Crispin Beltran (January 7, 1933 – May 20, 2008): Totoong tao, mahusay na pulitiko, lider obrero at ama ng Masa)

Uy, Ka Bel

Anakpawis Rep. Crispin "Ka Bel" Beltran (Larawan kagandahang loob ng Gabriela, http://gabrielanews.files.wordpress.com/2008/05/ka-bel.jpg)

Kaarawan mo na pala!
Doble siyete na sana
ang mahal na ama, lolo, tiyuhin ng Masa
kung naririto ka pa.
Doble siyete…
Sa mga mapamahiin, suwerte.

Sabagay, napakasuwerte namin
Lalo na kaming laging amoy pawis
mga nanlilimahid at nanggugutim
Kaming aliping sahod at kanin
Dahil kahit paano, nakasama ka namin.

Hinding-hindi ka namin malilimot
Laluna’t naririyan pa rin
ang nilulumot na problema
ng sambayanang Pilipino –
Imperyalismo, Burukratang Kapitalismo, Pyudalismo.

Maala-ala ka namin –
Oras-oras, araw-araw
Sapagkat ang taglay mong aral
at makabuluhan mong buhay
Ay nagsisilbing lakas sa amin
para makibaka’t magtagumpay!

Unang nalathala sa Facebook bilang tala, Enero 07, 2010.

Author:

Isa lamang ordinaryong miron at mapangarapin si Noel Sales Barcelona na nagnanais magsulat ng hinggil sa kaniyang nadarama.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s