Posted in elitist elections, poem, protest poetry, social realism

Mr. and Mrs. Pulitiko

(Paki-etsapuwera ang mga progresibong kongresista, ha?)

Sana'y ang maluklok, di mukhang kuwarta; sa kapangyarihan, hindi masiba!

Hala! Sabi nila iba raw ang mukha –
May berde kasi, asul, pula
samantalang wala namang kaliskis ang isa.

Maaaring iba na raw ang palakad
sapagkat iba na ang pangalan
at dala-dalang tatak.

Maging ang lalagyan
ng plataporma de pataranta
ay ibang-iba na:

Ang isa’y nakalata
Naka-pack ang isa
Ang isa’y nasa ginto pa.

Pero, mare at pare –
linawan n’yo naman ang inyog mga mata
Buksan, idilat ang inyong mga antatao!

Huwag na huwag
huwag na huwag
kang pararahuyo, Diyos ko!

Dahil, kapatid, maniwala ka
magbago man ng kulay
sila pa rin ay iisa – bulok na karne, isdang malansa!

Author:

Isa lamang ordinaryong miron at mapangarapin si Noel Sales Barcelona na nagnanais magsulat ng hinggil sa kaniyang nadarama.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s