Posted in poem, protest poetry, social realism

Bakit?

Hala, bakit nga ba naghihirap ka Bayan?
Gayong sa bundok at parang mo
ay kayraming ginto, pilak at bakal na mahuhukay?
Samantalang ang bukid mo’y
kayraming nabubuhay?

Na sa kabila ng malawak na tubig
Hindi man lamang makakain
ng isang dakot na talimusak?
May mahuli man ay hindi sasapat
at halos di mapuno ang maliit na lambat?

Buksan mo ang iyong mata, Bayan!
Ulinigin ang sigaw ng sikmurang gutom at impis!
Nang mapalitan ng “Ano?” ang “Bakit? na tanong –
May dapat kang bawiin at uring dapat singilin
Sa iyong pagdaralita, pagkabusabos, pagkahilahil!

Enero 3, 2009

Unang nalathala sa Facebook.com

Author:

Isa lamang ordinaryong miron at mapangarapin si Noel Sales Barcelona na nagnanais magsulat ng hinggil sa kaniyang nadarama.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s