Marikit na Pulang Bulaklak ng Umaga: Ano baga ang ngalan mo?

Bulaklak na sing rikit ng bagong umaga —

Ano baga ang ngalan mo?

Kailan kaya magkakapakpak ang tangang paruparo?

Itong dalangin, huwag sanang masiphayo:

‘Sang umagang ‘di tigmak ng dugo

at ang uring uod–

makapagaspas nang malayo!

Setyembre 5, 2009

Alas 5:13 n.h., sa isang bus

 

Leave a comment