Posted in poem

Mga Himig sa Gabi

Nagbabaga ang serbesa
Gumuguhit sa lalamunan
Samantalang nanginginig
Ang bawat himaymay ng
Namamanhid nang kamalayan.

Salisalikop. Salasalabat.
Ang mga alaala.
Parang sapot ng gagambang
Nag-aabang nang masisila
Sa mga oras na ang buwan
At mga bitui’y mapanglaw
Sa kanilang kaningningan.

Nagkukubli ang mga anino
Sa ilang hibla ng liwanag
Mula sa aandap-andap
Na liwanag mula sa poste,
Sa signage ng motel.

Dalawang aninong iisa
Ang mababanaag
Sa ibabaw ng altar,
Nag-aalay sa mga diyos
Na yari sa  laman.

Sa apat na sulok ng diwa
Naroon ang isang pangitain:
Pagkatapos ng paglulunoy
Sa dagat ng mga apoy,
Hindi kaya tuluyang
Masupok ang ating kaluluwa?
O susugba muli para
Ulitin ang galaw ng dagat
Sa ating mga puson?

Tapos na ang paglalayag
Sa pusod ng karimlan.
Malapit na ang umaga.
Hanggang sa muling
Pagpapatianod sa himig
Na dulot hatinggabi.

Abril 23, 2005

Author:

Isa lamang ordinaryong miron at mapangarapin si Noel Sales Barcelona na nagnanais magsulat ng hinggil sa kaniyang nadarama.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s