Posted in poem

Sino ka nga ba, Magdalena?

Kay Julie Anne,. ang batang kaylambing at kay Lovely,. ang kagandahang kaylungkot…
Para sa inyo ito.
Magdalena, ano nga ba ang hitsura ng iyong mukha?

– makinis na balat
– mala-rosas, maburok na mga pisngi
– matangos na ilong
– malantik na pilik
– mapupungay na mata (subalit may lungkot)

– mga labing mapula

Ano nga ba ang hubog mo oh, Magdalena?
– malusog, tayung-tayong mga suso
– marosas-rosas, nangungutim na mga utong
– maliit na baiwang
– maarkong balakang
– matambok na puwitan
– mabibilog na mga hita
– magagandang binti
– bagamundong mga paa

Ano ang halimuyak mo, oh Magdalena?
– samyo ng mabining pabango
– bula ng serbesang nakapagpapalango
subalit sumusugat sa pakiramdam
– usok ng sigarilyong ayaw magpatulog
sa balisa mong utak
– tamod ng lalaking sumiping sa iyo
subalit walang pagkakakilanlan

Subalit sino ka nga ba, mahal kong Magdalena?
– Isang pagkataong hindi kilala
– Kumakalam na sikmurang walang mailaman
– Pusong gutom sa wagas na pagmamahal
– Espiritung uhaw sa paglingap
– Patak ng luha sa pisngi sa gabing walang katabi
– Niyayapos sa panahong lasing
subalit nilalayuan ‘pag diwa’y nagising.
– Wasak na mga pangarap
– Mapait na alaala ng madilim, tinatakasang kahapon
– Babaing hindi babae
– Laruan (?)
– Tao.

Nailathala sa aking Friendster blog noong Nob. 11, 2005

Author:

Isa lamang ordinaryong miron at mapangarapin si Noel Sales Barcelona na nagnanais magsulat ng hinggil sa kaniyang nadarama.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s