Posted in poem

Daddy

Hindi man daw totoo

ang langit at impiyerno:

Ibig kong mapunta ka

doon sa langit na bughaw

na siyang salamin

ng maalat na dagat – asul na asul.

Sa pagsikat ng bituin

sa dakong Hilagaan –

magsisimula kang igaod

ang gintong bapor mo

para mamamalakaya

gaya nang gustung-gusto mo.

Kasama mo roon

dating mga kaniig –

Si Lolo Enciong

Si Tatay Milyo

silang hindi ko na maalala

ang unang pangalan.

Sa panghuhuli ninyo ng isda

at ibang lamang-dagat –

Inyong paghahati-hatian

at iaalay sa paanan ni Yahweh.

Sana man lamang

bago ka gumaod diyan

Nagsabi ka man lang.

Pero masasanay rin ako

dahil iisipin ko na lang

sa takdang panahon

magkikita rin tayo

at sabay sasakay

sa gintong bapor mo.

Kumusta ka na, Tatay Ba?

 

Hunyo 20, 2007

Author:

Isa lamang ordinaryong miron at mapangarapin si Noel Sales Barcelona na nagnanais magsulat ng hinggil sa kaniyang nadarama.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s