Posted in homeland security and anti-terrorism, poem, state terrorism and/or fascism

Hamon sa Makata

1.

Isumpit mo, makata
Ang iyong tula sa hangin –

Parang palaso,
Sa lupang may bahid ng dugo
Iyong patamain.

Huwag pabayaang salakabin
ng mga palalo
Ang iyong talino.

Kapag itinanikala –
Patuluan ng luha at dugo
Hayaang kalawangin hanggang mapugto.

2.

Gisingin sa mga sigaw ng iyong berso
ang tulog na mga puso.

Hayaang pag-alabin ang apoy ng salita
Ang naidlip na espiritu ng tao.

Kapag ang binhing mapanghimagsik
Ng iyong pluma at pulso
Ay naitanim nang malalim sa utak at puso ng tao –

Daig ang daluyong ng alon
Ang paglaban ng tao.

3.

Hayo ka,
ikaw na niyapos ng ganda at talisik ng berso:

Papag-alabin mo ang apoy
sa puso at espiritu ng tao.

Huwag katakutan ang pilantik
Ng kamao at bisig ng panginoon:

Sapagkat wala silang lakas
Kapag ang sanglaksang alipin ang nagbangon!

*Inilathala ng Antonio Zumel Center for Press Freedom, Hulyo 24, 2007; Panahon na iginigiit (at ngayon nga ay naisabatas na) ni Pang. Gloria Macapagal-Arroyo ang Human Security Act)

Author:

Isa lamang ordinaryong miron at mapangarapin si Noel Sales Barcelona na nagnanais magsulat ng hinggil sa kaniyang nadarama.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s