Posted in graft and corruption, poem

Piyesta

Naku, ha?
Nabalitaan kong nakipista ka pala.
Masarap na handaan ang sinalunga
Sa isang restorang Pranses
Sa Manhattan.

Talagang hangang-hanga ako s’inyo.
Biruin mo, ang inorder ninyo
Isang pagkaing hindi kilala rito.
Nakatutuwang totoo.
Nakagugulantang na totoo.

Dalawumpung libong dolyar para sa hapunan!
Hanep talaga!
Nakukuha pa ninyong magsaya
Samantalang ang taumbaya’y halos
Di magkandatuto sa paghahanap ng ilalaman sa tiyan.

Pero alam ninyo
Habang kayo, mahal na mga diputado
Ay nagpipiyesta riyan
Marami ang nagdarasal sa mga santo rito…

SANA RAW, NABILAUKAN NA LAMANG KAYO
AT NANG HININGA NINYO AY MAPUGTO
AT NANG KAHIT PAANO KUNG MAILIBING NANG DI NAEMBALSAMO
MAGING PATABA SA PALAY AT GUGULAYIN ANG BANGKAY NINYO!

Nang kahit paano, mapakinabangan kayo
Ng matagal nang inaabang Bayan ko.
Pero sa dahil sagad sa buto ang kabuhungan ninyo
Baka pati ang lupa –
Isuka kayo!

Antipolo City, Agosto 31, 2009

Author:

Isa lamang ordinaryong miron at mapangarapin si Noel Sales Barcelona na nagnanais magsulat ng hinggil sa kaniyang nadarama.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s