Category Archives: literary theory

Ang ‘Ipuipo sa Piging’ at ang mga agiw sa aklatan

Mahigit na apat na dekada na ang nakali­lipas nang mailathala ang unang kalipunan ng mga akdang masasabi nating nakapagpabago sa mukha ng panitikang nasusulat sa wikang pambansa—ang “Mga Agos sa Disyerto” nina Efren R. Abueg, Dominador B. Mirasol (RIP), Rogelio L. Ordoñez, Edgardo M. Reyes at Rogelio Sikat (RIP).

Ngayon, muling binulabog ang tila natutulog na mundo ng panitik nang ilunsad kamakailan lang ang isang ­aklat-kalipunan ng mga tula at sanaysay na binubuo ng 32 makata’t manunulat na nabi­bilang sa iba’t ibang henerasyon ng panitikang Pilipino: ang “Ipuipo sa Piging (IsP).”

Mapangahas, kung hindi man talagang radikal ang na­ging layunin ng pagtitipon, paglalathala at pamamahagi ng “IsP.” Sabi nga ng publisador nitong si Atty. Fermin S. Salvador na nakabase nga­yon sa Estados Unidos, “Ang ‘Ipuipo sa Piging’ ay isang pagtatangkang makapaghatid ng pag-asa sa sambaya­nan. May iba pang tinig para sa lahing Pilipino. May iba pang hanay ng mga manunulat.

Naniniwala si Salvador na ang “IsP” ang maaaring magbigay-daan o maglinis ng daan para sa isang maaliwalas na bukas ng panitikang Pilipinong patuloy na inilalako bilang mapagkakikitaang kalakal lamang at hindi bahagi ng paglilinang ng isang makabago at makabayang kaisipan.

Higit sa alimpuyo ng damdamin ang mga akdang kinipil sa 328-pahinang aklat na “IsP”—tulad ng mga tula ng iba’t ibang uri ng babae’t ina, ang katipunan ng tula ni Diana Galaura Cabote na napa­sama sa kalipunan (“Walang Duda”, pp. 24–34), kagaya rin ng tulang kalipunang isinumite sa akda ni Andang Juan (“Instant”, pp. 36–37).

Matalas na komentaryong panlipunan ang birada sa mga tula nina Pia Montalban (“Bertud at Iba Pang Berso Rojo”, pp. 39–42); “Salu­ngat sa Agos” ni Ed Nelson R. Labao (pp. 51–70); “Ikaw na Inilubog sa Anestisya” ni Dennis Espada (pp. 116–135); “Tulong” (Tulang Bugtong) ni Danny Diaz; “Sunny Side Up” ni German Gervacio (pp. 151–158); samantalang lasap at ramdam mo ang mapapait na obserbasyon sa lipunan ni Kris­toffer Berse sa kanyang “Mga Marka ng Bahala.”

Ilan lamang ang mga nabanggit sa wasiwas ng hanging nakapaloob sa mga pahina ng “IsP.” At marami ngang umaasa, na kahit ang ibang kawing ng hangin-ng-buhawi’y parang mahinang tampal lamang sa sistema, na ang dumi sa lansangan ng panitikan ay tuluyang mapawid at maiwala ng hampas ng “Ipuipo sa Piging.”*

*Nalathala sa PINAS: The Filipino’s Global Newspaper. Maraming-maraming salamat sa aking mga editor, partikular kay Sel Barlam-Bautista at kay Manny de la Cruz sa paglalathala ng munting libro-repasong ito.

Kundiman: higit pa sa awit ng pag-ibig

HINDI LAMANG awiting lipos ng pag-ibig, may ginampanang mahalagang papel sa himagsikang Pilipino noong 1896 ang kundiman (cundiman sa lumang baybay).

Nagmula sa lalawigan ng Batangas, ang kundiman ay isang uri ng awitin ng pag-ibig na ipinakikilala ng malamyos, maaliw-iw, at mabanayad na himig.

Sabi nga ng mananalaysay na si Teodoro Agoncillo (1912 – 1985), katutubo sa Pilipinas ang kundiman at walang bahid ni isang hibla ng kulturang Espanyol dahil bago pa man lumunsad ang mananakop ng Krus at Espada sa baybaying Pilipino, ay naririyan na ang mga awiting iyan, gaya nang nasusulat sa ibaba:

Hayo na’t dimugin ang bato mong puso
Sa pait ng aking luhang tumutulo,
Nang ang mailap mong awa’y nang umamo
Sa walang hangganang tapat kong pagsuyo.

Mula sa History of the Filipino People (1990), p. 57

Sa panahon ng paghihimagsik laban sa mga Espanyol, at bago pa ito maging parang apoy na lumaganap sa iba’t ibang bahagi ng lupain, ang matatamis na liriko ng kundiman ay tila naging isang kumot na nagkubli sa nag-aalab na damdamin ng inaaping mga indio.

Si José P. Rizal, na siya nating pambansang bayani’y sumulat ng isa sa pinakamagagandang kundiman sa panahon ng nagaapoy na pingkian sa pagitan ng mananakop at nang sinasakop, na sa dakong huli’y nagsimula nang pumiglas:

Tunay ngayong umid yaring diwa at puso
Ang bayan palibhasa’y api, lupig at sumuko.
Sa kapabayaan ng nagturong puno
Paglaya’y nawala, ligaya’y naglaho!

Datapuwa’t muling sisikat ang maligayang araw
Pilit na maliligtas ang inaping bayan
Magbabalik man din at laging sisikat
Ang ngalang Tagalog sa sandaigdigan!

Ibubuhos namin ang dugo’y ibabaha
Ng matubos lamang ang sa Amang Lupa!
Hanggang ‘di sumapit ang panahong tadhana
Sinta ay tatahimik, tutuloy ang nasa!
Sinta ay tatahimik at tutuloy ang nasa!
O Bayan kong mahal
Sintang Filipinas!

Nalathala sa isang kabanata ng Noli Me Tangere

Sinasabi rin sa kasaysayan na sa panahong nagpupulong ang mga katipunero, sina Melchora Aquino at mga kasama’y umaawit ng mga kundiman at awiting bayan para hindi mapagtanto ng mga Espanyol ang tunay na nagaganap sa loob ng tahanan.

Ang naging pinakakilalang kundiman sa panahon ng Himagsikang Katipunero ay ang Jocelynang Baliwag, na inialay kay Josefa ‘Pepita’ Tiongson y Lara, na taga-Baliwag, Bulakan—ang pinakasagisag ng Bayang Pilipinas, na bagaman matamis magmahal ay labis ang lumbay:

P- Pinopoong sinta, niring calolowa
Nacacawangis mo’y mabangong sampaga
Dalisay sa linis, dakila sa ganda
Matimyas na bucal ng madlang ligaya.

E- Edeng maligayang kinaloclocan
Ng galak at tuwang catamis-tamisan
Hada cang maningning na ang matunghaya’y
Masamyong bulaclac agad sumisical.

P- Pinananaligan niring aking dibdib
Na sa paglalayag sa dagat ng sakit
‘Di mo babayaang malunod sa hapis
Sa pagcabagabag co’y icaw ang sasagip.

I- Icaw na nga ang lunas sa aking dalita
Tanging magliligtas sa niluha-luha
Bunying binibining sinucuang cusa
Niring catawohang nangayupapa.

T- Tanggapin ang aking wagas na pag-ibig
Marubdob na ningas na taglay sa dibdib
Sa buhay na ito’y walang nilalangit
Cung hindi ikaw lamang, ilaw niring isip.

A- At sa cawacasa’y ang kapamanhikan
Tumbasan mo yaring pagsintang dalisay
Alalahanin mong cung ‘di cahabagan
Iyong lalasunin ang aba cong buhay.

Liriko mula sa Wikipedia, 2010

Kaya nga, hindi maitatatwang hindi lamang humihiwa sa puso ang kundiman, kundi nagpapaalab ito ng kakaibang pagmamahal, alalaong baga’y ang pagmamahal sa Inang Bayan, na kumbaga kay Jose Corazon de Jesus ay bayang sakdal dilag (Mula sa Bayan Ko, 1929).

Kuwintas ng mga Salita: Isang sulyap sa sining ng tula

Write in such a way as that you can be readily understood by both the young and the old, by men as well as women, even by children…

- Ho Chi Minh[1]

BUNGAD-SABI. Minsan, nasabi ng isang batang makata na ibig niyang maniwalang ang tula ay hindi para sa nakararami, alalalong baga ay para sa malawak na masang sambayanan, dahil sa tayog ng diwang bitbit ng pinagkabit-kabit na salita na iniayos sa mga taludtod at saknong.

Marahil, totoo ito sa isang banda, sapagkat nakararaming Pilipino pa rin ang salat na salat sa kaalamang pang-akademya bunga na rin ng kawalang kakayahang makatuntong man lamang, o makatapos ng haiskul.[2] Malaking bahagi kasi ng populasyong Pilipino’y lublub na lublob pa rin sa karalitaan.[3]

Higit pang nakadagdag sa pasanin o hirap ng mga mambabasa para maunawaan ang lasa at anyo ng tula ang mga katuturan (meaning) na ibinigay ng mga talatinigan o diksiyunaryo at maging ng ilang encyclopædia sa sining na ito:

1. a composition in verse, especially one characterized by the use of heightened language and rhythm.[4]

2. A metrical composition; a composition in verse written in certain measures, whether in blank verse or in rhyme, and characterized by imagination and poetic diction; contradistinguished from prose; as, the poems of Homer or of Milton.[5]

3. a form of literary art in which language is used for its aesthetic and evocative qualities in addition to, or in lieu of, its apparent meaning.[6]

“Pinatayog na mga salita”, “komposisyong metrikal o mayroong sukat”, “tugma”, at kung anu-ano pang makukulay na salitang pilit idinamit sa tula: ang mga ito ang lalo pang nagbigay ng hiwaga o misteryo sa sining na ito, kung marami ang “takot” o “nangingilag” sa sining ng pagtula.

Kagagawan na rin marahil ng “pagmamataas” ng ilang makata kung kaya ang tula ay nananatili sa kamay ng iilan—hindi sa kamay ng masa na dapat sana ay patuloy na nagpapayaman sa mga ito dahil sa kanila naman talaga ito nagsimula.

♦♦♦

MAIKLING KASAYSAYAN NG PANULAANG PILIPINO. Sabi ng makata at dakilang lider obrerong si Gat. Amado V. Hernandez (Setyembre 13, 1903 – Marso 24, 1970), bahagi ng katutubong kultura ng mga Pilipino ang pagtula, hindi pa man lumulunsad ang dayuhang mananakop sa dalampasigan ng Pilipinas.[7]

Hindi malinaw kung kailan at kung paano nagsimulang tumula ang mga Pilipino. Basta’t ang pagkakasalaysay ng mga istoryador gaya ni Teodoro A. Agoncillo, halos lahat gawaing pampanitikan sa bansang Pilipinas, bago dumaong dito ang mga Kastila ay mayroong langkap na tula, partikular ang sa mga Tagalóg. Ang kanilang mga sabi, sawikain, bugtóng, suliranin, indulanin, talindaw, diyuna, kumintáng, dalít at umbay, tagumpáy, balikungkong, dupayanin at hiliraw, uyayi at hele, ihiman, tagulaylay, tigpasin, at kutang-kutang ay pawang tulang paawit kung bigkasin.[8] Mayroon na rin ang mga sinaunang Pilipino ng tulang relihiyoso o pang-relihiyon, na nababatay sa kanilang pamahii’t pananampalataya.[9] Bukod sa pasalitang panitikan (oral literature), mayroon din ang sinaunang mga Pilipino na nasusulat na panitikan, kabilang dito ang kanilang mga epiko at awit, na pawang mga tulang sinaliwan ng tugtugin.[10]

♦♦♦

PINAKA-“INA” NG SINING NG PANITIK. Dahil dito, maaaring sabihin na ang panulaan ang pinaka-ina ng panitikan, hindi lamang ng Pilipinas kundi maging ng ibang mga bansa. Gaya ng sabi ng dalubgurong Amerikanong si Michael Meyer,

Although no one can point to the precise origins of poetry, it is one of the most ancient of the arts, because it has existed ever since human beings discovered pleasure in language (Bagaman walang makatuturol sa tiyak na pinagmulan ng panulaan, [masasabing] isa ito sa pinakamatandang [uri o anyo] ng sining, dahil umiral na ito sa pagkakatuklas ng mga tao sa kasiyahang hatid ng wika).[11]

Ayon pa sa libreng encylopædia na Wikipedia, kung sining ng pagtula ang pag-uusapan, nauna pa ito kaysa sa kakayahan ng mga tao na magsulat at magbasa (literacy), [12] dahil karamihan ng tulay pasalaysay o epiko, ay pawang binibigkas lamang, at hindi nasusulat, gaya nang sa Pilipinas.[13]

♦♦♦

KOMUNAL, HINDI INDIBIDUWAL. Hindi gaya ng pagkakaunawa ng ilan, ang panulaang Pilipino at maging ang iba pang anyong pampanitikan sa Pilipinas, ay walang katangiang “mapag-isa” o indibiduwalista.

Sabi nga nina Panganiban, et al.,

Ang panitikang Pilipino ay pahayag na pasalita o pasulat na mga damdaming Pilipino hinggil sa pamumuhay, pag-uugaling panlipunan, paniniwalang pampulitika, at pananampalatayang niyakap ng mga Pilipino. (ang pahilig ay inilagay ng awtor.)[14]

Sa madali’t sabi,  nagpapakita ng kolektibong damdamin, kaisipan at katutubong karunungan (folk wisdom of the race), ang mga kantahin at salaysaying Pilipino, na siyang pinakakatawan ng panulaang Pilipino, noong unang panahon.[15]

Paliwanag nga ni Meyer,

Thus, from its very beginnings, poetry has been associated with what has mattered most to people (Kung gayon, mula pa nang kanyang pasimula, iniuugnay na ang panulaan sa mga bagay na mahalaga sa mga tao o mamamayan.)[16]

Katulad din ng pagbibigay-diin ni Alberto S. Florentino sa kanyang sanaysay na nalathala noong 1964:

Literature is a social institution: It is created by the writer, who is a member of society. Its medium is language, which is social creation. It represents life, which is social reality. It is addressed to men who form a social body. It is centrally conditioned by social and other forces and it, in turn, exerts social influence. (Isang panlipunang insitusyon ang panitikan: Nilikha ito ng manunulat na kasapi ng lipunan. Ang gamit nitong padaluyan (medium) ay ang wika, na likha ng lipunan. Inihahain nito ang nagaganap sa buhay na siyang reyalidad ng lipunan. Hinubog ito, partikular, ng panlipunan at iba pang mga puwersa, na sa bandang huli, ang panitikan naman ay magbibigay ng kanyang impluwensiya sa lipunang kanyang pinagmulan.). (Isinuplay ng awtor ang italiko.)[17]

♦♦♦

ANG PAGDATAL NG INDIBIDUWALISTANG PANANAW SA PANULAAN AT SA PANITIKAN, SA KABUUAN. Walang malinaw na kasaysayan kung kailan nagsimula ang kaisipang indibiduwalista sa panitikan o maging sa sining sa kabuuan; subalit malinaw na naglalagos sa bawat aspeto ng buhay ng bawat tao ang anyong ito ng sinasabing “awtonomiya,” o pagsasarili.

Ang indibiduwalistang pananaw ay ang isa sa pinakamatingkad na reyalidad na nananalasa ngayon sa mundo ng sining at panitikan. Pag-amin ng anarkista at bohemyong manunulat na si Oscar Wilde,

“Art is individualism, and individualism is a disturbing and disintegrating force. There lies its immense value. For what it seeks is to disturb monotony of type, slavery of custom, tyranny of habit, and the reduction of man to the level of a machine.”[18]

Gayunman, malinaw na mayroong kinalaman ang kapital o ang pag-unlad sa gamit at moda ng produksiyon kung bakit nagkakaroon ng “pagkakahati-hati” sa kaisipan ng mga mamamayan na dati naman ay nag-iisip nang kolektibo.

Sabi ng Encyclopedia of Marxism,

The growth of individualism in the 18th century played a crucial role in further bolstering the development of bourgeois society upon which it had been founded, and the thorough breakdown of feudalism… In Tribal Society, individual consciousness is absent, and only begins to develop on the basis of a social division of labour and in particular, the emergence of private property… (Ang paglago ng indibiduwalismo sa ika-18 siglo ay mayroong mahalagang papel na ginampanan sa pagpapaunlad ng burgis na lipunan, na siyang pinag-ugatan nito at maging ng tuluyang pagbagsak ng piyudalismo… Sa Lipunang Tribo, hindi maaapuhap ang kaisipang indibiduwalista, at nagsimula lamang itong umunlad sa batayan ng dibisyong sosyal ng paggawa at sa partikular, sa pag-usbong ng pribadong pag-aari…) – sa awtor ang pagdiriin.[19]

♦♦♦

TULA AT LIPUNAN. Dahil ang indibiduwalismo ay kontra sa kagalingang panlahat, hindi ito ang dapat manaig sa utak at puso ng manunulat, bagaman ang gawaing pagsusulat ay isang gawaing suhetibo o nakadepende lamang sa indibiduwal na pag-iisip at damdamin.[20]

Ani Jose Ma. Sison, rebolusyonaryong makata at isa sa pinakamahahalagang Marxista sa daigdig, na bagaman mahalagang sangkap, na angat sa lahat, ang pagsusulat o panitikan,  dapat na mabatid ng mga manunulat hindi ito hiwalay sa pulitika at pulitika, na bahagi naman ng kabuuang hibla ng lipunan.[21]

Kung kaya nga, sabi ni Amado V. Hernandez sa kanyang pambungad na sanaysay sa katipunan ng kanyang mga tula na pinamagatang, “Isang Dipang Langit,”

“Ang tula ay hindi pulos pangarap at salamisim. Di-pawang halimuyak, silahis, aliw-iw, taginting at alingayngay. May kagandahan din sa kapangitan, kung paanong ang brilyante’y nabuo sa sinapupunan ng maitim na karbon.”[22]

Pagbibigay-kahulugan ng makatang si Noel Sales Barcelona sa tinuran na ito ni Hernandez na,

…ang tula ay nararapat na tumalakay hindi lamang sa tamis ng pagmamahalan, kagandahan ng kalikasan, kirot ng kabiguan sa pag-ibig kundi dapat din nitong lamanin ang mapapait na karanasan ng mga tao sa isang lipunan.[23]

Pagpapalawig pa ni Barcelona,

Lahat ng sumikat na akda ay panlipunan, hindi pag-ibig sa pag-ibig lamang. Halos lahat ng tulang nakintal sa isip ng mga mambabasa, noon at ngayon ay hindi naman tula ng pag-ibig, pagsinta, takot—kundi mga tulang mabagsik na tumatalakay sa mga katotohanang umiiral sa lipunang Pilipino at nagpapaalaala sa mga pagpapahalagang unti-unti nating nalilimot dahil na rin sa ating pagkalulong sa kaisipang makadayuhan.[24]

Bagaman pinipilit ng ilan na ang tula ay dapat magtaglay lamang ng magagandang bagay, ng paglalambinga’t pag-iibigan, hindi ito ang minamarapat ngayon ng panahon. Ang tunay na halaga ng pagtula ay kaiba sa pagpapaalab lamang ng pag-ibig at paglibog kundi kung paano nakatutulay ang bawat taludtod at saknong sa malawak na sambayanang dating pinagmulan nito. Sabi nga ni Alexander Martin S. Remollino, progresibong makata at peryodista mula sa Laguna, Pilipinas,

Hindi na lamang ako tutula

kung ang ipatutula lamang ninyo sa akin

ay tungkol sa pagsasalubong ng mga titi at puki,

o tungkol sa tamis ng unang pagdadaupang-labi.

Hindi lang iyan ang katula-tula,

marami pa ang higit na katula-tula –

lalo na sa mga panahong ito

ng pamamayagpag ng mga kuto’t lintang

nagbabalatkayo bilang mararangal na tao.

At ayaw kong itong aking panulat

ay maging isang baril na walang bala,

kaya’t hindi na lamang ako tutula

kung ang ipatutula lamang ninyo sa akin

ay tungkol sa pagsasalubong ng mga titi at puki,

o tungkol sa tamis ng unang pagdadaupang-labi.[25]

Ano nga ba ang halaga ng tula? Sabi nga ng rebolusyonaryo at kritikong si Gelacio Guillermo,

Ano ba ang halaga ng tula sa lipunan? Ipinaliwanag na ito nina Lenin, Mao Zedong at ng makatang Aprikanong Aime Cesaire, at nitong huli’y ng Latinong Amerikanong manunulat na Eduardo Galeano, na nagwika: “Ang sabihing mababago ang realidad sa pamamagitan lamang ng panitikan ay isang kabaliwan o paghahambog.  Sa palagay ko, isa ring kalokohan na itatwang nakakatulong ito sa pagbabago.”[26]

♦♦♦

PAGTULA: PAANO NGA BA MAGSISIMULA? Matapos ang pagtalakay na teoretikal hinggil sa kasaysayan ng tula at ang “gamit ng tula,” panahon naman pagtuunan ng pansin kung paano mo magagawa ang iyong piyesa.

Sa totoo lamang, walang madali o mahirap na paraan kung paano isulat ang isang tula. Walang eksaktong pormula o gabay kung paano mo ito sisimulan. Ang mahalaga, magsimula kang magsulat.

Paksa. Maraming maaaring paksain ang isang tula. Subalit gaya nang nabanggit na, hindi lamang ang pag-ibig at pagsinta, kalibugan at kagandahan ang karapat-dapat na pagtuunan ng pansin sa pagtula. Dahil kung gayon, sabi nga ni Jesus Manuel Santiago,

Kung ang tula ay isa lamang

pumpon ng mga salita,

nanaisin ko pang ako’y bigyan

ng isang taling kangkong

dili kaya’y isang bungkos

ng mga talbos ng kamote

na pinupol sa kung aling pusalian

o inumit sa bilao

ng kung sinong maggugulay,

pagkat ako’y nagugutom

at ang bituka’y walang ilong,

walang mata.

Malaon nang pinamanhid

ng dalita ang panlasa

kaya huwag,

mga pinagpipitaganang makata

ng bayan ko,

huwag ninyo akong alukin

ng mga taludtod

kung ang tula ay isa lamang

pumpon ng mga salita.[27]

Ibig sabihin, dapat ang paksain ng tula o anumang gawang pampanitikan o maging pang-sining man, ang tunggalian sa lipunang Pilipino.

Kagaya ng banggit ni Sison sa kanyang talumpati para sa pagtitipon ng U.P. Writer’s Club noong 1983:

Ang pinakamahalagang usapin at tunggalian sa lipunan ay nananawagang matukoy, mailahad, at malutas sa mga akdang pampanitikan. Ang sambayanan ay pinahihirapan ng mapaniil na pasismo—na mapait na bunga naman ng pyudalismo at dominasyon ng dayuhan—sa mabilis na lumalalang krisis pampulitika at pang-ekonomiya; at magiting silang nagbabalikwas upang igiit ang kanilang pambansa-demokratikong karapatan at ipaglaban ang kanilang kalayaan.[28]

Ibig sabihin, ang panawanga para sa mga makata ngayon ay ang isulat pakikibaka ng masang sambayanan, ang kanilang kaapiha’t tagumpay, habang patuloy namang inihahantad at nilalansag ang gawain ng mga nang-aapi, alalaong baga ang pangunahing mga kalaban ng sambayanan: ang mga burgesyang komprador (may-ari nang naglalakihang negosyong monopolyo), panginoong maylupa at ang Imperyalismong US na nagsisilbing “amo” nila.

Dapat ding mabatid ng isang nagbabalak na maging makata na ang tanging ang lipunan lamang at ang nakikibakang sambayanan ang tanging hindi mauubos na bukal ng mga ideya at insipirasyon sa pagkatha:

The life of the people (the masses) is always a mine of the raw materials that are crude, but most vital, rich and fundamental; they make all literature and art seem pallid by comparison; they provide literature and art with an inexhaustible source, their only source. They are the only source, for there can be no other.[29]

Tula ko’y para kanino – usapin ng ‘audience.’ Baka naman malito ka, at sabihin mong sino ang sambayanan o sino ang masa? Paliwanag ni Sison:

Kapag binabanggit ko ang sambayanan, ang tinutukoy ko ay ang masang anakpawis na manggagawa, magsasaka at iba pang demokratikong pwersa tulad ng petiburgesyang lungsod at pambansang burgesya.[30]

Sila, ang bumubuo sa 99 porsiyento ng populasyong Pilipinong pinagsasamantalahan ng mapagsamantalang uri—ang mga burgesyang komprador at panginoong maylupa, kasapakat ang imperyalistang amo nila.[31]

Para sa masa at hindi para sa sarili. Sabi nga ni Nadine Gordimer, pagsipi sa kanya ng makata, manunudling, peryodista at makabayang gurong si Rogelio L. Ordoñez,

“Hindi puwedeng sabihin kong ako’y isang manunulat lamang… at mga paksang tungkol lamang sa manunulat ang tatalakayin ko. Isa rin akong tao at kung basta na lamang inaagawan ng karapatan ang isang tao, basta na lamang ikinukulong, binibimbin sa kulungan nang walang kaukulang paglilitis at hindi pinalalaya ni ipinagsasakdal, dapat na mahigpit na tutulan ng sinuman ang bagay na ito.”[32]

Ibig sabihin, dapat nang iwaksi ang kaisipang indibiduwalista sa panitik at marapat napag-aralang isapi ang sarili sa malawak na pakikibaka ng aping sambayanan. Gaya nga ng pahayag ni V. I. Lenin, ang lider-rebolusyonaryo ng Rusya:

Literature cannot be a means of enriching individuals or groups: it cannot, in fact, be an individual undertaking, independent of the common cause of the proletariat…Literature must become part of the common cause of the proletariat, “a cog and a screw” of one single great Social-Democratic mechanism set in motion by the entire politically-conscious vanguard of the entire working class. Literature must become a component of organised, planned and integrated Social-Democratic Party work.[33]

♦♦♦

MAHALAGA ANG PAKIKISANGKOT. Gayunman, ang mahusay na pagsusulat ng tula o anumang akdang pampanitikan ay hindi lamang nasasalalay sa “pagkaalam” lamang sa paksa o “kumuha”lamang ng inspirasyon buhat sa sambayanan. Mahalaga ang tahasang pakikisangkot sa pakikibaka ng sambayanan, ang pakikimuhay sa masang anakpawis, at patuloy na pagsusuri sa kongkretong mga kalagayan ng lipunang Pilipino at maging sa pakikibalita sa nagaganap na pakikibaka ng iba pang inaaping mga mamamayan sa ibayong-dagat o sa buong mundo. Sa pamamagitan ng paglubog sa “batis ng inspirasyon ng makata,” hindi magtatagal ay magiging kaisa na siya ng batis na iyon at magiging madali ang pagdaloy ng tinta mula sa kanyang pluma—para sa sambayanan.[34]

♦♦♦

LUMA O BAGO? Sa usapin ng kung paano magsusulat, sinabi ni Mao Zedong, na maaaring sinaunang anyo ng panitikan para mapaglingkuran ang sambayanan. Paliwanag niya:

We should take over the rich legacy and the good traditions in literature and art that have been handed down from past ages in China and foreign countries, but the aim still to serve the masses of the people.[35]

Kaya, maaari nating gamitin ang tradisyunal o makabagong anyo ng panulaan para ilahad ang katotohanan tungkol sa nagaganap sa lipunan at sambayanang Pilipino, sa kasalukuyang naghaharing sistema. Maaari nating hubugin o bigyan ng bagong anyo ang iba’t ibang anyo ng tula (oda, awit, korido, atbp.) upang maging instrumentong pansining ng pagmumulat at paglilingkod sa masa.[36]

Katunayan, magandang hakbang ito upang madaling mapopularisa ang isang akda o gawang sining. Gayunman, dapat din namang isaalang-alang ang “pagtataas” ng kamalayan ng ating mambabasa—bilang pagbabalik ng pabor sa ating batis na iniinuman para matighaw ang ating pagkauhaw sa paglikha ng mga akda.[37] Pero, maaari rin namang gamitin ang makabagong mga anyo ng panulaan (free verse, atbp.).

Sa kabilang banda, pinakamahalagang sangkap pa rin, para makalikha ng magagandang akdang pampanitikan, ang malawak at makulay na imahinasyon. Sabi nga ni Sison:

Ngunit isang bagay lamang ang magkaroon ng wasto at progresibong kaisipan at pampulitikang pananaw. Ibang bagay din naman ang paglikha ng pinakamahusay na akdang pampanitikan. Ang husay sa pagsulat ay nangangailangan ng masining na imahinasyon. Napapaloob dito, hindi lamang ang isip, kundi ang natatanging kaisahan sa isip at damdamin; ang laman at anyo; ng paksa at estilo, at iba pa.[38]

FILIPINO O INGLES? Nagtatalo rin sa isip ng isang makata at manunulat kung saang wika dapat isulat ang kanyang akda. Mayroong payo si Sison ukol diyan:

Ang paggamit ng pambansang wika ay may mapagpasyang papel sa pagpapasigla kapwa sa paglikha ng proletaryadong panitikan at sa interes ng masa sa proletaryong akdang pampanitikan. Ito rin ang maghihiwalay sa sagad-sagaring maka-imperyalistang liberal at iba pang reaksiyunaryong malikhaing manunulat na nais magpanatili ng kanilang teoryang pampanitikan at panlasa na mula sa reaksyunaryong burges na mga aklat sa Ingles dulot na rin ng pangingibabaw ng kulturang US.[39]

Subalit huwag isipin ng mga nagsusulat sa Ingles na “binabalewala” ang kanilang kakayahan sa pagsulat o minamalasado ang kanilang pagiging makabayan. Sa kongkretong kalagayan ngayon ng panitikan at sa katangian din namang internasyunalista ng rebolusyonaryo o progresibong panitikan at sining, hindi isinasantabi ang pagsusulat sa Ingles—alang-alang sa mambabasang dayuhang hindi nakaiintindi ng Filipino. Datapwa, higit na dapat mahalagahin ang wikang sarili dahil ito ang siyang bigkis nating lahat tungo sa pagkakaisa.

♦♦♦

HULING TALA. Masalimuot, masakit at mahabang proseso ang paghuhubog ng akdang pampanitikan na mayroong panlipunang halaga. Gayunman, kapag ang iyong mga akda ay naisanib sa apoy ng dagat ng kaisipang bayan, isa iyong karangalang higit pa sa bigay ng Palanca, SEAWrite at Pulitzers.

♦♦♦

Hakbang-hakbang na pamamaraan sa pagsulat ng inyong unang akda:

  1. Magbulay-bulay o maglimi (meditate) sa paksang ibig ninyong sulatin. (Hal. Extrajudicial killings, repormang agraryo, etc.). Kasama sa prosesong ito ang pag-alam sa mga tiyak na datos o impormasyon hinggil sa paksa (estadistika, mga pangalan, eksaktong tala ng pangyayari, salaysay, atbp.)
  2. Sa daloy ng kaisipan, isulat ang tula. Hayaan munang bumukal sa isip ang diwa ng tula at ipasa ito sa papel.
  3. Basahing muli ang isinulat. Limiin kung tama ba ang ginamit na mga salita, talinghaga o paghahalintulad. Ang tula ay gaya nang tubig; dapat itong dumaloy nang walang sagka, malaya at madulas para na rin sa kapakanan ng mambabasa.
  4. Sundin ang payo ni Ho Chi Minh at Mao Zedong sa pagtula—pagaangin ang mabibigat na paksa; gamitin ang wika ng masa; subalit huwag silang gawing hangal, katawa-tawa, imoral o napakababa. Itaas ang kanilang kamalayan habang ikaw rin naman, bilang makata, ay nagpapatayog at nagpapanday ng iyong sining para sa kanila.
  5. Huwag kang matakot sa puna. Kung paanong ang malulubhang sakit ay kailangan ng pagbubusbos (surgery) gayundin ang akdang pampanitikan.
  6. Gumawa ng sariling estilo, sa malaon.
  7. Gawing kasiya-siya ang pagsusulat sa pamamagitan ng laging paghugot ng inspirasyon mula sa batis ng mga inspirasyon: ang masa.

TALASANGGUNIAN:

______________. “Paano makikilala an bumubuo sa sambayanang Pilipino?” Maikling Kurso sa Lipunan at Rebolusyong Pilipino, (Luzon: Palimbagang Sentral), 2000.

“Poem,” Accurate & Reliable Dictionary, A free English-English Online Dictionary (2010). http://ardictionary.com/Poem/8230 (accessed August 22, 2010).

Agoncillo, Teodoro A. History of the Filipino People, 8th Ed., Quezon City: GaroTech Books, Inc., 1990.

Alliance of Concerned Teachers. “Ang Kasalukuyang Krisis sa Edukasyon at ang Ating Kampanya,” April 22, 2007. http://www.actphils.com/2007//educsit; (accessed August 22, 2010)

Barcelona, Noel S. Ngayong National Poetry Month: Ang Tula at Lipunan, (Electronic Version) PINAS: The Filipino’s Newspaper, Pasig City: Swara Sug Media Corp., March 29, 2010. http://www.pinasglobal.com/2/2010/03/lathalain/ngayong-%E2%80%98national-poetry-month%E2%80%99-ang-tula-at-lipunan/. (Accessed August 22, 2010)

Florentino, Alberto S.,“Social Comment in Theater,” in  Literature and Society: A Symposium on the Relation of Literature to Social Change Manila: Alberto S. Florentino, publisher, 1964

Gordimer, Nadine. As cited by Rogelio L. Ordoñez, in Noel Sales Barcelona’s essay, “Ngayong National Poetry Month: Ang Tula at Lipunan,” published in PINAS: The Filipino’s Global Newspaper, Marso 29, 2010. http://www.pinasglobal.com/2/2010/03/lathalain/ngayong-%E2%80%98national-poetry-month%E2%80%99-ang-tula-at-lipunan/ (accessed August 22, 2010)

Guillermo, Gelacio. “Ibahin ang Paksa? Ang Kasalukuyang Panulaang Makabayan sa Panahon ng Krisis at Rebolusyon,” a paper read  in “Asintado: Ang Makata sa Panahon ng Krisis” Bulwagang Rizal, U.P. Faculty Center, on November 18, 2005. Bulatlat Newsweekly Magazine, Vol. V No. 44, (Quezon City: Alipato Publishing, Inc.); http://bulatlat.com/news/5-44/5-44-paksa.htm (accessed August 22, 2010)

Hernandez, Amado V. Isang Dipang Langit: Katipunan ng mga tula ni Amado V. Hernandez. Quezon City: Ken, Inc., 1996.

Ho Chi Minh. Ho Chi Minh Quotes, BrainyMedia.com (2010), http://www.brainyquote.com/quotes/quotes/h/hochiminh162586.html (accessed August 22, 2010).

Lenin, V. I., Party Organisation and Party Literature (1905), Marxists Internet Archive Edition, 2001. http://www.marxists.org/archive/lenin/works/1905/nov/13.htm (accessed, August 22, 2010)

Mao Zedong, “Talks at the Yenan Forum on Literature and Art,” from the Selected Works of Mao Tse-tung (Peking (Beijing): Foreign Languages Press), 1967*

Meyer, Michael S. The Bedford Introducation to Literature, Boston, MA: Bedford Books of St. Martin’s Press, 1990.

Panganiban, Jose Villa, Consuelo Torres Panganiban & Genoveva Edroza-Matute. Panitikan ng Pilipinas (Quezon City: Bede’s Publishing House, Inc.), 1982.

Remollino, Alexander Martin S. “Hindi na Lamang Ako Tutula,” Kilometer 64 Multiply Site, December 10, 2008. http://kilometer64.multiply.com/journal/item/68/Hindi_Na_Lamang_Ako_Tutula (accessed August 22, 2010)

Santiago, Jesus Manuel, “Kung ang Tula ay Isa Lamang,” 1976; as cited by Alexander Martin S. Remollino, in his essay titled “ANG DIYALEKTIKANG HINDI NAMAN DIYALEKTIKA NG ANYO AT NILALAMAN SA PANULAAN”,   November 13, 2009, http://ourthoughtsarefree.blogspot.com/2004/09/ang-diyalektikang-hindi-naman.html. (accessed August 22, 2010)

Sison, Jose Ma. S. “Panitikan at Paninindigan,” Ulos, August 1999 (ARMAS).

Wikipedia contributors, “Poetry,” Wikipedia, The Free Encyclopedia, http://en.wikipedia.org/w/index.php?title=Poetry&oldid=380062918 (accessed August 22, 2010).

Wikipedia contributors, “History of poetry,” Wikipedia, The Free Encyclopedia, http://en.wikipedia.org/w/index.php?title=History_of_poetry&oldid=361170098 (accessed August 22, 2010).

Wilde, Oscar. “The Soul of Man under Socialism,” (libcom.org, 2007), http://libcom.org/library/soul-of-man-under-socialism-oscar-wilde (Accessed August 22, 2010)


[1] “Ho Chi Minh Quotes,” BrainyMedia.com (2010), http://www.brainyquote.com/quotes/quotes/h/hochiminh162586.html (accessed August 22, 2010)

[2] Batay sa datos ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) – Philippines, na ibinatay rin sa impormasyong nakalap mula sa Department of Education (DepEd), sa 100 batang Pilipinong papasok sa unang baitang sa elementarya: 66 ang magtatapos ng Grade 6; 58 ang tutuloy sa high school;  43 ang magtatapos ng high school; 23 ang tutuloy sa kolehiyo; 14 ang magtatapos ng kolehiyo. (“Ang Kasalukuyang Krisis sa Edukasyon at ang Ating Kampanya,” ng Alliance of Concerned Teachers, Abril 22, 2007; http://www.actphils.com/2007//educsit; accessed August 22, 2010)

[3] Inulat ng Ibon Foundation, Inc. – isang indipendiyenteng ahensiyang pampananaliksik na 66 porsiyento ng populasyong Pilipino ay maralita. (Mula sa Vital Signs – Poverty, 2010) http://ibon.org/ibon_vitalsigns.php?page=poverty; accessed August 22, 2010)

[4] Random House Webster’s Dictionary, 4th (Edition. New York: Ballantine Books, 2001), p. 553

[5] “Poem,” Accurate & Reliable Dictionary, A free English-English Online Dictionary (2010). http://ardictionary.com/Poem/8230 (accessed August 22, 2010)

[6] “Poetry,” Wikipedia, The Free Encyclopedia, http://en.wikipedia.org/w/index.php?title=Poetry&oldid=380062918 (accessed August 22, 2010).

[7] Amadon V. Hernandez. “Ilang Sariling Palagay,” mula sa Isang Dipang Langit: Katipunan ng mga tula ni Amado V. Hernandez (Quezon City: Ken Incorporated, 1996), p. ii.

[8] Teodoro A. Agoncillo, The History of the Filipino People, (Quezon City: GaroTech Books, Inc., 1990), p.

[9] J. Villa Panganiban, C. T. Panganiban & G. E. Matute, Panitikan ng Pilipinas (Quezon City: Bede’s Publishing House, Inc., 1982), pp. 9 – 10

[10] Amado Guerrero, Philippine Society and Revoluion, 4th ed. (Oakland, CA: International Association of Filipino Patriots, 1979), p. 5; Agoncillo, 57.

[11] Michael Meyer, “The Pleasure of Words,” from The Bedford Introduction to Literature, 2nd ed. (Boston, MA: Bedford Books of St. Martin’s Press, 1990), p. 496

[12] Wikipedia contributors, “History of poetry,” Wikipedia, The Free Encyclopedia, http://en.wikipedia.org/w/index.php?title=History_of_poetry&oldid=361170098 (accessed August 22, 2010).

[13] Agoncillo, p. 57

[14] Panganiban, et al., p. 3

[15] Agoncillo, p. 58

[16] Michael Meyer, p. 497

[17] Alberto S. Florentino, “Social Comment in Theater,” in Literature and Society: A Symposium on the Relation of Literature to Social Change (Manila: Alberto S. Florentino, publisher, 1964), pp. 55 – 56

[18] Oscar Wilde, “The Soul of Man under Socialism,” (libcom.org, 2007), http://libcom.org/library/soul-of-man-under-socialism-oscar-wilde (Accessed August 22, 2010)

[19] “Indvidualism,” Glossary of Terms, Encyclopedia of Marxism (1999, revised 2008), http://www.marxists.org/glossary/terms/i/n.htm (accessed August 22, 2010)

[20] Jose Ma. Sison, “Panitikan at Paninindigan,” Ulos (Artista at Manunulat para sa Sambayanan (ARMAS), Agosto 1999), Philippines, p. 80

[21] Ibid.

[22] Hernandez, p. ii.

[23] Noel S. Barcelona, Ngayong National Poetry Month: Ang Tula at Lipunan, (Electronic Version) PINAS: The Filipino’s Newspaper, Pasig City: Swara Sug Media Corp., March 29, 2010. http://www.pinasglobal.com/2/2010/03/lathalain/ngayong-%E2%80%98national-poetry-month%E2%80%99-ang-tula-at-lipunan/.  (Accessed August 22, 2010)

[24] Ibid.

[25] Alexander Martin S. Remollino, “Hindi na Lamang Ako Tutula,” Kilometer 64 Multiply Site, December 10, 2008. http://kilometer64.multiply.com/journal/item/68/Hindi_Na_Lamang_Ako_Tutula (accessed August 22, 2010)

[26] Gelacio Guillermo, Ibahin ang Paksa? Ang Kasalukuyang Panulaang Makabayan sa Panahon ng Krisis at Rebolusyon (Binasa noong 18 Nobyembre 2005 sa “Asintado: Ang Makata sa Panahon ng Krisis” sa Bulwagang Rizal, U.P. Faculty Center.  Inisponsor ang simposyum ng KM64), Bulatlat Online Newsweekly Magazine Vol. 5, No. 44, Quezon City: Alipato Publications, Inc.; http://bulatlat.com/news/5-44/5-44-paksa.htm. (accessed August 22, 2010)

[27] Jesus Manuel Santiago, “Kung ang Tula ay Isa Lamang,” 1976; sinipi ni Remollino, sa kanyang sanaysay na “ANG DIYALEKTIKANG HINDI NAMAN DIYALEKTIKA NG ANYO AT NILALAMAN SA PANULAAN”,   Nob. 13, 2009, http://ourthoughtsarefree.blogspot.com/2004/09/ang-diyalektikang-hindi-naman.html. (accessed August 22, 2010)

[28] Sison, p. 78

[29] Mao, p. 13

[30] Sison, p. 78.

[31] “Paano makikilala an bumubuo sa sambayanang Pilipino?” mula sa Maikling Kurso sa Lipunan at Rebolusyong Pilipino, (Luzon: Palimbagang Sentral, 2000) pp. 108 – 109

[32] Nadine Gordimer, pagsipi ni Barcelona kay Ordoñez, sa kanyang sanaysay na lumabas sa PINAS: The Filipino’s Global Newspaper, Marso 29, 2010. http://www.pinasglobal.com/2/2010/03/lathalain/ngayong-%E2%80%98national-poetry-month%E2%80%99-ang-tula-at-lipunan/. (accessed August 22, 2010)

[33] V. I. Lenin, Party Organisation and Party Literature (1905), Marxists Internet Archive Edition, 2001. http://www.marxists.org/archive/lenin/works/1905/nov/13.htm (accessed, August 22, 2010)

[34] Ibid., p. 11.

[35] Mao Zedong, “Talks at the Yenan Forum on Literature and Art,” May 2, 1942, p. 9

[36] Ibid.

[37] Ibid.

[38] Sison, p. 79

[39] Ibid., 82


* The copy that the author has is an undated copy and no publication info. For safety, the author had included in the Bibliography the English Translation of Mao’s Collected Works, published by the Foreign Language Press in Peking, now Beijing, China.

MIRRORS: Looking at the Face of Injustice in the Philippines

Thoughts on Fact Sheet 43: an exhibit for the honor of the Morong 43

According to the revolutionary leader and poet Mao Zedong, “All dark forces, which endanger the masses of the people, must be exposed…”[1]

Upholding the progressive tradition in art and literature, these very words of the famous revolutionary Chinese leader, had emboldened the 43 artists to expose the injustice and terror plaguing the Filipino society today.

XL Ysulat Fuentes, Cleng Yu Julue, Tilde Acuna,  Aye Sarapuddin, Maricon Mendez, Brian Lee, Richelle De Cruz, Rustum Casia, Mikel Mozo, J. Luna, Bjorn Calleja, Mica Cabildo, Maan de Loyola, AJ Tolentino, JL Burgos, Marika B. Constantino, Mimi Tecson, Wes Valenzuela, Ray Zapanta, Zeus Bascon, Con Cabrera, Bobert Elyas, Leonilo Doloricon, Kiri Dalena, Bobby Balingit, Che Marty, Vincent Silarde, Bong de Leon, Aerosmith Masa, Teta Tulay, Mean Batas, Thrianne Gellido, Recci Bacolor, J. Pacena, Don Djerassi Delmacio, and Pau Reyes have made their canvases testimonies of how the State had become an apparatus of fascism and terror.

The State, the one supposedly safeguarding the rights and welfare of the people had become a monster that savagely devouring the freedom and liberty of its very people.

***

Last February 5, 43 people were stripped off their freedom. They are health workers, working closely with the masses of the people, especially in those far flung areas wherein health and medical services are scarce or closer to none.

In the spirit of genuine volunteerism, they have devoted themselves taking care of indigent patients for a minimal or no fees at all.

However, on that fateful day of February 5, they were all arrested, tortured, incarcerated and for a time, held incommunicado. They were accused of being rebels, enemies of the state because of their dedicated and genuine services to the masa.

Aside from being doctors, midwives, nurses and health care aides, they are mothers, fathers, husbands, wives, brothers, and sisters, too.

“All the dark forces harming the masses of the people must be exposed and all the revolutionary struggles of the masses of the people must be extolled; this is the fundamental task of revolutionary writers and artists.” – Mao Zedong, 1942

On that very moment that they have been captured (read: abducted) by the military and the police, they have left in their homes little children, needed to be fed and taken care of. They have also left husbands and wives, mothers and sisters, brothers and fathers, lonely.

Because of their imprisonment, they have been deprived of their freedom being mothers, fathers, brothers, sisters, husbands and wives for their families: a gross violation of the 1987 Constitution, which states that the State should be the one taking care of the families, keeping it intact, being the primary unit of this society.[2]

***

For this reviewer, the works in exhibit are but the manifestations of the struggles and conflicts that are happening inside the Philippine society and any other societies where different classes, with different interests, exist.

As V. I. Lenin states:

…in any given society the strivings of some of its members conflict with the strivings of others, that social life if full of contradictions, that history discloses a struggle between nations and societies as well as within nations and societies…[3]

In the Philippines, the conflict is between the landlord and the bourgeoisie comprador class, and the working class like of the Morong 43.

Though they were doctors and nurses and midwives, their labor had been reduced into ordinary labor, therefore being deprived of all the privileges and benefits of their profession.

However, because of the spirit of genuine volunteerism and love for their countrymen, they have decided to serve the marginalized. But the State did not like that for their genuine love and service for the masses had crystallized and concretized the inutility and inability of the State to provide the necessary social services to its people.

Thereby, the State forces have decided to repress and oppress them by accusing them as dissenters and at the end, filing legal charges against them and incarcerating them.

But this is not new to a government being run by the elite, oppressive class. It is its very nature, social observers say.

As one is moving from canvas to canvas, the spectator can reaffirm the truthfulness of the observations of socialist thinkers, the likes of Louis Althusser, who said that

The State apparatus, which defines as a force of repressive execution and intervention ‘in the interests of the ruling classes’ in the class struggle conducted by the bourgeoisie and its allies against the proletariat (working or the repressed class – information supplied by the author), is quite certainly the State, and quite certainly defines its basic ‘function.’[4]

If we will to define or explain this fact clearly, it can be reduced into a few words: The State is actually a vehicle of terror and has a very violent nature that it uses its apparatuses—the armed forces, the courts and the different departments and agencies under its wing—in suppressing its people in order to preserve the social order where the elite or the bourgeoisie class benefit from.

As Althusser explains it:

The role of the repressive State apparatuses, insofar as it is a repressive apparatus, consists essentially in securing by force (physical or otherwise) the political conditions of the reproduction of relations of productions which are in the last resort relations of exploitation. (First italics supplied by the author).[5]

Furthermore,

Not only does the State apparatus contribute generously, to its own reproduction (the capitalist State[a] contains political dynasties, military dynasties, etc.), but also and above all, the State apparatus secures by repression (from the most brutal physical force, via mere administrative commands and interdictions, to open and tacit censorship) the political conditions for the action of the Ideological State Apparatuses.[6]

***

If we are to assess the works of the participants of this new edition of Fact Sheet, the 43 artists had been successfully in communicating or exposing to their audience the evils existing in the Philippine society today, mostly perpetrated by the managers of the State themselves.

They (the artworks) have “mirrored” exactly how the government has been repressing its people, as a reaction to the people’s clamor for genuine change and for their legitimate demand of adequate and quality social services such as health and education.

Moreover, the works have successfully given a face to the so-called violations of the universal and specific rights, not only of the Morong 43 that served as the primary subject of the exhibit, but the Filipino nation as a whole.

On the last note, let everyone—every spectator—reflect on each “mirror” hanging on the walls of the exhibition area and to examine the facts being reflected in there and assess if they do really replicate the events happening in the Philippine society today or this is just a bunch of propaganda. And everybody must say, Amen.

BIBLIOGRAPHY:

Althusser, Louis. Lenin and Philosophy and Other Essays. New York: Monthly Review Press, 1971.

Fremantle, Anne (Ed.) Mao Zedong’s Talks at the Yenan Forum on Art and Literature on Mao Tse-tung: An Anthology of His Writings. New York: Mentor Books, 1962.

Chan-Robles Law Office Online. The 1987 Philippine Constitution (electronic copy), 1998. Accessed, 16 June 2010.

Lenin, V. I. Introduction to Marx, Engels, Marxism. New York: International Publishers, 1987.


End Note:

[1] Fremantle, Anne. (Ed.) Talks at the Yenan Forum on Art and Literature on Mao Tse-tung: An Anthology of His Writings (New York: Mentor Books, 1962), p. 260

[2] Article II, Sec. 12, 1987 Philippine Constitution, on Chan-Robles online, http://www.chanrobles.com/article2.htm, retrieved on 16 June 2010

[3] V. I. Lenin, Introduction to Marx, Engels, Marxism, (New York: International Publishers)  1987, p. 67

[4] Louis Althusser, Lenin and Philosophy and Other Essays (New York: Monthly Review Press) 1971, p. 137

[5] Ibid. p. 149 – 150

[6] Op. cit. 150


[a] In the Philippines, the sociopolitical system is neither capitalist nor feudal, but semi-feudal and semi-colonial. (Cf. Amado Guerrero’s Philippine Society and Revolution for further discussion about the origin of this state of the Philippine society.

Si Rogelio L. Ordoñez at ang Panitikan ng Uring Anakpawis

Sa kanyang talumpati sa pagtatapos ng Palitang-Kuro sa Yenan Hinggil sa Panitikan at Sining noong Mayo 23, 1942, ganito ang winika ng lider-rebolusyonaryo ng Tsina, ideologong Marxista-Leninista, at makatang si Mao Zedong hinggil sa mga katangian ng tinawag niyang “rebolusyonaryong panitikan at sining”:

Bagama’t ang panlipunang buhay ng tao ang siyang tanging bukal ng panitikan at sining at ito’y walang kapantay sa kasiglahan at nilalaman, ang sambayanan ay hindi nagkakasya sa buhay na lamang at humihiling pa ng panitikan at sining. Bakit? Sapagkat bagama’t kapwa maganda ang mga ito, ang buhay na nasasalamin sa mga obra ng panitikan at sining ay maaari at kinakailangang nasa mas mataas na antas, maging mas maigting, mas masidhi, mas tipiko, mas malapit sa uliran, at sa gayon ay mas unibersal kaysa talagang pang-araw-araw na buhay. Kailangang lumikha ang rebolusyonaryong panitikan at sining ng samu’t saring tauhan mula sa tunay na buhay at tumulong sa masa sa pagpapasulong ng kasaysayan. Halimbawa, may paghihirap na bunga ng gutom, lamig ng panahon, at pang-aapi sa isang dako, at may pagsasamantala at pang-aapi naman ng tao sa tao sa kabilang dako. Ang katotohanang ito ay matatagpuan sa lahat ng lugar at sa tingin ng tao ay karaniwan na lamang ito. Kinukuha ng mga manunulat at artista ang katas ng ganitong pang-araw-araw na mga pangyayari, ginagawang tipiko ang pagsasalungatan at pagtutunggalian sa mga ito at lumilikha ng mga obrang pumupukaw sa masa, nagbibigay-sigla sa kanila at nagpapakilos sa kanila upang sila’y magkaisa at makibaka tungo sa pagbabago ng kanilang kapaligiran.

Kung susukatin sa ganitong pamantayan, masasabing natupad ng mga kuwento ni Rogelio L. Ordoñez sa Mga Agos sa Disyerto – pati na ng iba pa niyang mga akda – ang mga hinihingi ng panitikang para sa sambayanan. Sinulat noong dekada 1960, ang mga kuwento ni Ordoñez sa Agos ay malinaw na sumasalamin sa mga kaapihan ng sambayanang Pilipino – lalo na ng mga manggagawa’t magbubukid.

Salamin ng Sinasalot na Lipunan

a) Imperyalismo at Piyudalismo

Sa kanyang aklat na Imperyalismo: Ang Pinakamataas na Yugto ng Kapitalismo, na sinulat noong 1916, binanggit ni V. I. Lenin ang pagsaklot ng Estados Unidos sa Pilipinas noong huling taon ng Siglo XIX bilang isa sa mga halimbawang pangyayaring nagpapakita ng noo’y panimulang mga pananalasa ng modernong imperyalismo.

Magpahanggang ngayo’y nananatiling saklot ng imperyalismong Estados Unidos ang Pilipinas. Walang naging saysay ang pagkakaloob ng Estados Unidos ng “kasarinlan” sa Pilipinas noong 1946. Sa pamamagitan ng iba’t ibang “kasunduan”, nanatiling tali ang kabuhayan ng Pilipinas sa dikta ng Estados Unidos, na pumipigil sa ating industriyalisasyon upang walang makalaban ang mga empresa nito sa ating lupain. Sa loob ng mga empresa nito sa ating bansa ay binubusabos ang malaking bilang ng manggagawang Pilipino.

Samantala, nananatili sa malawak na kanayunan ng Pilipinas ang piyudalismo, na pamana pa ng panahon ng mga Kastila. Karamihan sa mga magsasaka – na bumubuo ng may 75 porsiyento ng ating populasyon – ang nagsasaka ng lupang hindi kanila at dahil dito’y hindi silang pangunahing nakikinabang sa mga bunga ng kanilang pagpapawis sa kabukiran, kaya’t madalas ay kumain-dili.

Hindi magkahiwalay ang imperyalismong Estados Unidos at ang piyudalismo sa kanayunan ng Pilipinas. Mahusay itong naipakita sa isa sa mga kuwento ni Ordoñez sa Agos, ang “Inuuod na Bisig sa Tiyan ng Buwaya”.

Sa isang di-pinangalanang bayang malapit sa lunsod, at sa bukiring malapit sa perokaril, ginulantang ang mga magbubukid – kabilang na ang pangunahing tauhang si Lino Fajardo – ng mapait na katotohanang wala na silang lupang masasaka:

Maagang tumakas ang ulan sa mga ulap at ang mga bitak ng bukiring iyon na nasa makalabas lamang ng lungsod at malapit sa daangbakal ay unti-unting nagsitikom. Tumingala sa langit ang nanginginaing mga kalabaw at ang mga kuhol na nagbaon sa buong panahon ng tag-araw sa gilid ng nangagdipang mga pilapil ay nagsimulang umahon at gumapang patungong sa mga pinitak. Naglundagan ang mga palaka, nagsipagsayaw at umawit. Nagkagulo ang mga ibon, nagliparan patungong kanluran, sapagkat sa bukiring iyon, wala ni isa mang punongkahoy. Nag-utlawan ang mga damo sa dibdib ng lupa at sa loob lamang ng ilang araw, ang dating naninilaw na bukiring iyon ay naging luntian..

Sa mga dampa na halos nakikipagtanawan lamang sa nagsisiksikang mga barungbarong na nasa magkabilang gilid ng daangbakal, ang nalalabing mangilan-ngilang magsasaka’y nagsipaglinis na agad ng mga yugo at araro at suyod, lumubid ng mga pamitik, at ng mumunting mga pangarap…

Umulan nang umulan, hanggang ang kabukirang iyon ay nagmistulang isang munting karagatang hindi umaalon. Inayos ng mga magsasaka ang kanilang mga salaam at punlaan, inihanda ang mga binhi at pinasan ang mga araro, isiningkaw ang mga kalabaw, at sinumulan na nilang sugatan ang malambot at hindi na tumututol na dibdib ng lupa hanggang isang araw, bigla na lamang sumulpot sa kabukirang iyon ang katiwala ng may-ari ng mayamang lupang iyon.

“H’wag na kayong mag-araro pa,” sabi nito. “H’wag na kayong magtanim ngayon.”

“Ba’t po, Kabesa? Nakapagpunla na po kami.”

“Wala tayong magagawa. Pinalalayas na kayo rito ng me-ari.”

Pinalayas ng may-ari ng lupa ang mga nakikisaka sa “kanyang” lupa upang maipagbili ito sa isang negosyanteng Amerikano, isang Mr. White.

Mula sa bintana ng nagsisiksikang mga barungbarong, kapag parang dugo nang kumukupas ang mapupulang latay ng liwanag sa kanluran at nagsisimula nang umindak-indak ang malamlam at malungkot na ningas ng mga gasera sa pusod ng mga barungbarong, malimit nakapangalumbaba ang mga babae, matagal na tititig sa gusaling iyon na parang malaking kabaong na batbat ng ilaw kung gabi, saka nila manaka-nakang sinusulyapan ang mga lalaki. Malimit ding manaog, pagkahapunan, ang mga lalaki at umpuk-umpok na magsisiupo sa gilid ng daangbakal, tititig sa gusaling iyon at sa kadiliman ng daangbakal na tinatanglawan lamang ng naggalaw-galaw, tumaas-bumaba, pumikit-dumilat na baga ng kanilang sigarilyo, halos paanas silang mag-uusap.

“Pabrika daw ng tela ‘yan, at Kano ang me-ari.”

“Senga?”

“Oo, Pare. Malapit na raw buksan.”

“Totoo?”

“Oo! Tiyak na maraming trabahador ang tatanggapin.”

“Matanggap sana tayo kahit kargador, kahit diyanitor, basta’t trabaho!”

At sila nga – kabilang si Lino Fajardo – ay natanggap upang magtrabaho sa pabrika ni Mr. White. Humaling sa inaakalang “kabaitan” ng mga negosyanteng Amerikano, umasa silang pagiginhawahin ni Mr. White ang kanilang mga buhay at sa kanilang mga isip, nagkaroon ng makukulay na larawan ang kanilang mga pangarap.

Ngunit hindi gayon ang nangyari:

“Putang ‘nang White ‘yan,” sabi minsan ng isa nilang kapwa trabahador sa dapithapong magkasabay silang lumalabas sa dambuhalang pabrikang iyon. “Wala yatang kaluluwa! Matagal na tayo rito, di man lang tayo inuumentuhan. Alam niyang pambili lang ng pandesal ang suweldo natin. Malaki naman ang kinikita ng pabrikang ito…”

Kung paano karaniwang nakukuha ng mga nagiging panginoong-maylupa ang malalawak na lupaing inaari nilang kanila, na sa di-iilang kaso’y naipagbibili nga nila o kaya nama’y nagagamit nila sa negosyo bilang mga kasosyo ng mga Amerikanong kapitalista, ay naisalaysay naman sa isang bahagi ng kuwentong “Si Anto”:

“Nakikita mo ga ang niyugang ‘yon?” at itinuro ni Mando ang isang karatig na niyugang dinaanan kangina ni Anto. “Dati, manong, kanila ‘yon. Ala’y may kagandahan din ang bahay nila noon…doon,” at muling itinuro ni mando ang niyugan na nakukumutan na ngayon ng manipis na karimlan.

“E, nasaan ngayon ang bahay?”

Dumahak si Mando.

“Ala’y di giniba na ng bagong may-ari. Alam mo ga, Manong,” patuloy ni mando, “nagisnan ko nang sa ama ni Anto ang niyugang iyon. Ano ga’t isang araw, mga sampung taon na siguro noon si Anto, may dumating ditto na taga-bayan, nakakotse pa at pinaaalis doon sina Anto. Kanya raw ang lupang ‘yon. Ala’y di nagalit si Ka Basilio’ yong ama ni Anto. Kumuha ng gulok. Ay putang ina, Manong…kung hindi agad nakatakbo at nakasakay sa kotse ‘yong taga-bayan, malamang na naundayan ng taga ni Ka Basilio.”

“Pagkatapos?” Sinaid ko ang tubing laman ng aking baso.

“Ay ano pa ga?” patuloy ni Mando. “Ala’y di nagdemandahan. Natalo si Ka Basilio dahil wala raw titulo. Mga ilang araw, muling dumating dito ‘yong taga-bayan, may kasama pang mga pulis. Tinaningan sina Anto para umalis doon. Ay, Manong, nag-iiyak si Ka Benita, ‘yong ina ni Anto, at sa sama ng loob ay biglang inatake sa puso…namatay noon din. Ala’y pagkalibing naman ni Ka Benita,” muling lumagok ng tuba si Mando, “ay muling dumating, isang araw, ‘yong taga-bayan, may kasama na namang mga pulis, at gigibain iyong bahay nina Anto. Ala’y di sa galit ni Ka Basilio ay binunot ang kanyang gulok. Ay, Manong, nanghabol ng taga. Bago siya nabaril ng mga pulis ay dalawa ang napatay niya…”

b. Burukrata-Kapitalismo

Sa pulitikang Pilipino, uso ang padrinismo o “palakasan”. Kapag malakas ang kapit sa “itaas,” may pagpapala. Ang mahina ang kapit, malalalaglag.

Ganito ang ipinakikita sa nangyari kay Andong sa kuwentong “Buhawi”:

“Bakit daw?” Tumalungko si Andong sa gilid ng kanal. Tumalungko rin si Pentong…

“Aywan natin,” mulung dumura at lumunuk-lunok si Pentong. “Pero may balita ako na ang tatanggalin lamang ay ang lahat ng hindi bumoto sa nanalong kongresista.”

Kinabahan si Andong. Ngayon niya nadama ang nadadarang na sikat ng araw. Ngayon siya nakaramdam ng hapo. Ngayon niya narinig ang dagundong ng pisnon, ang bahaw na lagapak ng mga piko, ang sigaw ng kanilang kapatas at ang pagkakaingay ng kanyang mga kasamahan.

Hindi siya bumoto sa nanalong kongresista!

Mahusay itong pangkathang paglalarawan ng totoong penomenong kung tawagin ay burukrata-kapitalismo: ang paggamit ng mga naghaharing uri, ang burgesyang kumprador at ang malalaking panginoong-maylupa, sa pampulitikang kapangyarihan upang ipagsanggalang ang kanilang mga ekonomikong interes.

Sa partikular na kaso ng nangyari sa “Buhawi”, tahasang tinangkilik ng may-ari ng pabrika ang isang kandidato sa pagkakongresista. Sa kuwento naman ni Anto, ginamit ang hukuman para gipitin ang pamilya ni Anto na matagal nang naninirahan sa lupaing ipinamana pa sa kanila ng kanilang mga ninuno.

c. Pasismo

Gumagamit ng dahas ang mga naghahari-harian sa lipunan upang papanatilihin ang kanilang paghahari at sikilin ang mga mamamayan. Dito’y ginagamit nila ang militar at ang pulisya laban sa mga mamamayang nagpapasahod sa mga ito.

Pansining ang mga sundalo at pulis ang kasama ng mga mangagamkam ng lupa upang palayasin ang mga magbubukid sa mga kuwentong “Inuuod…” at “Si Anto”.

“Sa Piling ng mga Bituin”

Sa limang kuwento ni Ordoñez sa Agos, ang “Sa Piling ng mga Bituin” ang masasabing may tunguhing naiiba sa direksiyong tinatahak niyong apat pang iba. Habang ang apat na ibang kuwento’y lantad na naglalarawan ng tunggalian ng mga uri, ang “Sa Piling…” ay isang sikolohikal na kuwentong pumapaksa sa mga bagay na nagpapagulo sa isip ng pintor na si Ismael.

Ang buhay ba ay katulad ng gabi na lagging may umaga? Ng umaga na laging may gabi? Ng gabi na laging may umaga? Na waring walang simula at wakas? Na waring isang kawalang-hanggan?

Parang hinahaplit ng mga katanungang iyon ang kanyang utak; uminog ang kanyang diwa, uminog nang uminog, sumuling-suling sa kalawakan, nag-apuhap sa kawalan, bumulusok sa kalaliman, sumisid, sumisid nang sumisid hanggang sa maarok; ngunit malalim ang kalaliman at hindi niya maarok.

Isinilang ba ang tao upang mabuhay, mamatay, at muling mabuhay? May kabilang-buhay daw, sapagkat may impiyerno at paraiso. Ang impiyerno raw ay para sa mga makasalanan, at ang paraiso raw ay para sa mga nakasusunod s autos ng Diyos. Ang impiyerno raw ay walang hanggang paghihirap sa kumukulong putik, sa nagbabagang bato, sa nakasusukang amoy ng asupre, at ang paraiso raw ay walang hanggang buhay, walang uhaw, walang gutom, pulos ng kaligayahan.

Ang mga eksistensiyal na katanungang ito ang unang gagambala kay Ismael, ngunit sa dakong katapusan ng kanyang paghahanap ng mga sagot ay itatanong niya kung bakit kailangang maghirap nang walang hanggan ang sangkatauhan. At ang huling tanong na ito ang magpapabalikwas kay Ismael upang simulang buuin ang isang kahindik-hindik na larawan ng buhay ng tao.

Taglay ng “Sa Piling…” ang pagkiling sa napakaraming dukha at inaapi sa mundo, bagay na makikita naman sa lahat ng sinulat ni Ordoñez mula’t mula pa at sa mga sinusulat pa niya – dahil nagsusulat pa rin siya – ngunit ang mga naghahanap ng higit na “rebolusyonaryong” nilalaman sa kuwentong ito ay mabibgo.

Si Ordoñez at ang Panitikang para sa Sambayanan

Wika ni Mao:

Tunay na may panitikan at sining na para sa mga nagsasamantala at nang-aapi. Ag panitikan at sining na para sa uring panginoong-maylupa ay piyudal na panitikan at sining. Ganito ang panitikan at sining ng naghaharing uri noong panahong piyudal sa Tsina. Hanggang ngayon ay malaki pa rin ang impluwensiya ng ganitong panitikan at sining sa Tsina. Ang panitikan at sining para sa burgesya ay burges na panitikan at sining. Ang mga taong tulad ni Liang Shih-chiu, na pinuna ni Lu Hsun, ay nagsasabing nangingibabaw sa mga uri ang panitikan at sining, ngunit sa katotohanan ay itinataguyod nila ang burges na panitikan at sining at sinasalungat nila ang proletaryong panitikan at sining. Mayroon ding panitikan at sining na naglilingkod sa mga imperyalista – halimbawa’y ang mga obra nina Chou Tso-jen, Chang Tzu-ping at mga katulad nila – na tinatawag nating mga taksil sa panitikan at sining. Sa atin, ang panitikan at sining ay para sa sambayanan, hindi para sa alinman sa mga nabanggit na pangkat…

Kung pagbabatayan ang kanyang mga kuwento sa Agos at lahat na ng iba pa niyang sinulat, malinaw na si Ordoñez ay isang manunulat na nakatugon nang lubos sa mga kahingian ng panitikang para sa sambayanan. (Isinulat nina Noel Sales Barcelona at Alexander Martin Remollino, para sa muling paglilimbag ng Mga Agos sa Disyerto; Agosto 30, 2009)

Si Rogelio L. Ordoñez at ang Panitikan ng Uring Anakpawis

Ani Jose Ma. Sison, ang nangungunang lider rebolusyonaryo sa Pilipinas at isa sa 100 pinakamahahalagang Marxista sa daigdig, sa kanyang talumpating naisulat mula sa piitan sa Fort Bonifacio, para sa Kumperensiya ng UP Writers’ Club noong 1983,

“Sa tingin ko, may kabuluhang panlipunan at pangkultura ang dakilang panitikan sa iba’t ibang panahon sa daigdig at ang pangunahing akdang naisulat sa kasayasayan ng Panitikan ng Pilipinas na sumasalamin, nang malalim na pag-unawa, sa kalagayang panlipunan at sa pakikibaka para sa higit na kalayaan.

Batay sa kongkretong katibayang-pangkasaysayan, hinihikayat ko ang lahat ng malikhaing manunulat na Pilipino na ilaan ang kanilang puso, isip at kada sa pakikibaka para sa kalayaan. Walang alinlangang magiging makabuluhan ang kanilang akda dahil sinasalamin, pinagyayaman at binibigyang inspirasyon ang pakikibaka ng sambayanan para sa pambansang kalayaan at demokrasya sa kasalukuyang malakolonyal at malapyudal na lipunan. Dapat mas epektibo kasay nakaraan ang paglilingkod ng panitikan sa sambayanan. (Panitikan at Paninindigan, Ulos, Agosto 1999 p. 78)

Sa puntong ito, binigyang-diin ni Sison ang kahalagahan ng paglilingkod sa sambayanan ng alinmang akdang pampanitikan upang magkaroon ito ng ganap na kabuluhan sa kabila nang ang gawaing pagsusulat, pag-amin na rin Sison ay isang suhetibong gawain:

“Ang malikhang pagsusulat ay isang gawaing lubhang suhetibo; pinagsasanib nito ang isip at damdamin. Isa ito sa pinakamatalas at pinakamataas na produkto ng kamalayan ng tao. Isa itong mahalagang sangkap ng kultura na angat ngunit hindi hiwalay sa ekonomiya at pulitika. At ang kultura ay sumasalamin at nakaugnay kapwa sa ekonomya at pulitika.  (Op. Cit., p. 78)

Kung ganito ang magiging pamantayan ng pagsusuri sa isang makabuluhang akdang kayang makipagtagalan sa panahon, dahil na rin sa pagtangkilik ng masang sambayanan, masasabing natupad ni Rogelio Lunasco Ordoñez ang rekisitong ito, bago pa ito naisulat ni Sison sa piitan at muling maitatag, na nasasalalay sa Marxismo-Leninismo-Kaisipang Mao Zedong, ang Partido Komunista ng Pilipinas—ang itinuturing na taliba at abanteng destakamento ng uring Proletaryado noong Disyembre 26, 1968, dahil naikiling niya ang kanyang panulat sa pagsasalarawan ng aping kalagayan ng sambayanan.

Paliwanag ni Sison ukol sa terminong sambayanan,

“Kapag binanggit ko ang sambayanan, ang tinutukoy ko ay ang masang anakpawis na manggagawa, magsasaka, at iba pang demokratikong pwersa tulad ng petiburgesyan lungsod at pambansang burgesya…  (Ibid., p. 80)

Salamin ng sinasalot na lipunan at sambayanang Pilipino

a. Imperyalismo at Piyudalismo

Mahigit 70 porsiyento ng populasyong Pilipino ang mga magsasaka. Sila rin, kasama ng mga mangingisda, an pinakamaralitang sektor ayon sa National Statistical Coordination Board.

Itinuturong dahilan ng karalitaan sa kanayunan ang kawalan ng lupa. Kumbersiyon at pangangamkam ng lupa ang pangunahing dahilan ng kawalang lupain ng mga magsasaka.

Ulat ni Anakpawis Rep. Rafael “Ka Paeng” Mariano, na siyang pambasang tagapangulo rin ng militanteng samahang magsasaka, ang Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) noong 2008, milyun-milyong magsasaka ang napalalayas sa lupaing kanilang sinasaka dahil sa iba’t ibang kadahilanan: ang kumbersiyon ng lupang agrikultural patungong residensiyal at komersiyal.

Sabi ni Mariano sa kanyang talumpati sa International Conference on Peasant Rights na inorganisa ng Indonesian Peasant Union at La Via Campesina mula Hunyo 21-24, 2008 sa  Jakarta, Indonesia, sinasabing 1,302,375 ektaryang lupain sa Timog Katagalugan ang ipinagkaloob ng Department of Agrarian Reform (DAR), ang ahensiya ng gobyernong tapagapatupad ng bogus na repormang agraryo ni yumaong president Corazon C. Aquino, sa mga kompanya, lokal at dayuhan, para ikumbirte sa komersiyal, industriyal at residensiyal na mga gamit.

Ganito rin ang naganap sa dalawang kuwento ni Ordoñez na Inuuod na Bisig sa Tiyan ng Buwaya (The Philippine Collegian, Agosto 29, 1968; Mga Agos sa Disyerto, p. 133) at Si Anto (isinalin sa Ingles noong 1997 para sa Tenggara-Malaysia at isinama sa antolohiyang Stories from Southeast Asia; Agos, p. 146).

Sa isang di-pinangalanang bayang malapit sa lungsod, at sa bukiring malapit sa perokaril, ginulantang ng mapait na katotohanang wala nang lupaing sasakahin ang magbubukid, kabilang na si Lino:

Maagang tumakas ang ulan sa mga ulap at ang mga bitak ng bukiring iyon na nasa makalabas lamang ng lungsod at malapit sa daangbakal ay unti-unting nagsitikom. Tumingala sa langit ang nanginginaing mga kalabaw at ang mga kuhol na nagbaon sa buong panahon ng tag-araw sa gilid ng nangagdipang mga pilapil ay nagsimulang umahon at gumapang patungong sa mga pinitak. Naglundagan ang mga palaka, nagsipagsayaw at umawit. Nagkagulo ang mga ibon, nagliparan patungong kanluran, sapagkat sa bukiring iyon, wala ni isa mang punongkahoy. Nag-utlawan ang mga damo sa dibdib ng lupa at sa loob lamang ng ilang araw, ang dating naninilaw na bukiring iyon ay naging luntian..

Sa mga dampa na halos nakikipagtanawan lamang sa nagsisiksikang mga barungbarong na nasa magkabilang gilid ng daangbakal, ang nalalabing mangilan-ngilang magsasaka’y nagsipaglinis na agad ng mga yugo at araro at suyod, lumubid ng mga pamitik, at ng mumunting mga pangarap…

Umulan nang umulan, hanggang ang kabukirang iyon ay nagmistulang isang munting karagatang hindi umaalon. Inayos ng mga magsasaka ang kanilang mga salaam at punlaan, inihanda ang mga binhi at pinasan ang mga araro, isiningkaw ang mga kalabaw, at sinumulan na nilang sugatan ang malambot at hindi na tumututol na dibdib ng lupa hanggang isang araw, bigla na lamang sumulpot sa kabukirang iyon ang katiwala ng may-ari ng mayamang lupang iyon.

“H’wag na kayong mag-araro pa,” sabi nito. “H’wag na kayong magtanim ngayon.”

“Ba’t po, Kabesa? Nakapagpunla na po kami.”

“Wala tayong magagawa. Pinalalayas na kayo rito ng me-ari.” (Mga Agos sa Disyerto, p. 134)

Gaya nang pagbubunyag ng KMP, dayuhang monopolyo kapital, kasabwat ang lokal na mga naghaharing-uri—mga propiyetaryo at burgesyang komprador, ang pangunahing nangangamkam ng lupain ng mga magsasaka. Hindi nakapagtatakang sa kuwentong Inuuod, ang dayuhang si White, na arketipo ng imperyalismong US, ang nakabili at nakapagpatayo ng pabrika sa lupaing iyon na malapit sa perokaril:

Mula sa bintana ng nagsisiksikang mga barungbarong, kapag parang dugo nang kumukupas ang mapupulang latay ng liwanag sa kanluran at nagsisimula nang umindak-indak ang malamlam at malungkot na ningas ng mga gasera sa pusod ng mga barungbarong, malimit nakapangalumbaba ang mga babae, matagal na tititig sa gusaling iyon na parang malaking kabaong na batbat ng ilaw kung gabi, saka nila manaka-nakang sinusulyapan ang mga lalaki. Malimit ding manaog, pagkahapunan, ang mga lalaki at umpuk-umpok na magsisiupo sa gilid ng daangbakal, tititig sa gusaling iyon at sa kadiliman ng daangbakal na tinatanglawan lamang ng naggalaw-galaw, tumaas-bumaba, pumikit-dumilat na baga ng kanilang sigarilyo, halos paanas silang mag-uusap.

“Pabrika daw ng tela ‘yan, at Kano ang me-ari.”

“Senga?”

“Oo, Pare. Malapit na raw buksan.”

“Totoo?”

“Oo! Tiyak na maraming trabahador ang tatanggapin.”

“Matanggap sana tayo kahit kargador, kahit diyanitor, basta’t trabaho!” (ibid. p. 138)

Kung mapait ang karanasan ni Fajardo, mas mapait naman ang dinanas ni Anto:

“Ay ano pa ga?” patuloy ni Mando. “Ala’y di nagdemandahan. Natalo si Ka Basilio dahil wala raw titulo. Mga ilang araw, muling dumating dito ‘yong taga-bayan, may kasama pang mga pulis. Tinaningan sina Anto para umalis doon. Ay, Manong, nag-iiyak si Ka Benita, ‘yong ina ni Anto, at sa sama ng loob ay biglang inatake sa puso… namatay noon din. Ala’y pagkalibing naman ni Ka Benita… ay muling dumating, isang araw, ‘yong taga-bayan, may kasama na namang mga pulis, at gigibain iyong bahay nina Anto. Ala’y di sa galit ni Ka Basilio ay binunot ang kanyang gulok. Ay, Manong, nanghabol ng taga. Bago siya nabaril ng mga pulis ay dalawa ang napatay niya… (Si Anto, p. 149)

b. Burukrata kapitalismo

Sa pulitikang Pinoy, uso ang padronismo. Kapag malakas ang kapit sa “itaas,” may pagpapala. Ang mahina ang kapit, malalalaglag.

Gaya nang nangyari kay Andong sa kuwentong Buhawi (Ang Quezonian, Pebrero 7, 1962; Agos, p. 119), tinanggal siya sa trabaho dahil sa hindi niya ibinoto ang kongresistang may proyekto sa karsadang kanyang ginagawa.

“Bakit daw?” Tumalungko si Andong sa gilid ng kanal. Tumalungko rin si Pentong…

“Aywan natin,” mulung dumura at lumunuk-lunok si Pentong. “Pero may balita ako na ang tatanggalin lamang ay ang lahat ng hindi bumot sa nanalong kongresista.”

Kinabahan si Andong. Ngayon niya nadama ang nadadarang na sikat ng araw. Ngayon siya nakaramdam ng hapo. Ngayon niya narinig ang dagundong ng pisnon, ang bahaw na lagapak ng mga piko, ang sigaw ng kanilang kapatas at ang pagkakaingay ng kanyang mga kasamahan.

Hindi siya bumoto sa nanalong kongresista! (p. 121)

Paliwanag ng librong Maikling Kurso sa Lipunan at Rebolusyong Pilipino (Pambasang Kawanihan sa Edukasyon-Partido Komunista ng Pilipinas, 2000), p. 91, pinaiiral ng mga negosyanteng pulitiko ito ang patakarang pasismo at tahasang panunupil sa mga mamamayan, sa utos na rin ng kanilang among dayuhan at burgesya-komprador (may-ari nang naglalakihang negosyo at impresa at maging malalaking lupain).

Gaya nang naganap sa Inuuod…, Buhawi, at Si Anto, ginagamit ng mga ito ang mga istruktura at aparatong legal gaya ng mga hukbong sandahatan (AFP o mga sundalo), ang pulisya, maging ang mga hukuman at mga bilangguan upang supilin ang mga mamamayan.

Pansining ang mga sundalo at pulis ang kasama ng mga mangagamkam ng lupa upang palayasin ang mga magbubukid sa mga kuwentong Inuuod at Si Anto; sa Anto, ginamit din ang hukuman para gipitin ang pamilya ni Anto na matagal nang naninirahan sa lupaing ipinamana pa sa kanila ng kanilang mga ninuno.

Sa kasalukuyang lipunang Pilipino, malaganap ang ganitong uri ng panggigipit at pagmamalupit sa masang magbubukid: taong 1987, Masaker sa Tulay ng Mendiola at Lupao sa Nueva Ecija at noong Nobyembre 17, 2004 ang masaker ng mga manggagawang bukid sa Asyenda Luisita na pagmamay-ari nina Cojuangco-Aquino, ang sinasabing “Ina ng Repormang Agraryo.”

Larawan ng mararahas na tunggalian ng mga uri

Ani V. G. Afanasyev, sa kanyang aklat na Historical Materialism, habang umuunlad ang kapitalismo, gayundin ang proletaryado at ang mga anyo ng pakikiabaka niya laban sa burgesya ay lalong naiiba at mas matalas. May tatlong porma ang pakikibaka ng uring proletaryado—ekonomiko, pulitikal at ideolohikal. (p. 57)

Sa mga kuwentong Dugo ni Juan Lazaro, Buhawi at Inuuod na Bisig sa Tiyan ng Buwaya, ipinakikita ang pakikibaka ng mga manggagawa para sa sahod, trabaho at karapatan.

Sa sitas sa ibaba, kongkreto at malinaw ang obserbasyon ni Ordoñez hinggil sa tunggalian sa pagitan ng kapital at paggawa, kasuwato ng obserbasyon ni Karl Marx, sa kanyang Teorya hinggil sa Sahod, Presyo at Tubo (mula sa Value, Price and Profit, talumpati ni Marx sa First International Working Men’s Association, Hunyo 1865):

“Putang ‘nang White ‘yan,” sabi minsan ng isa nilang kapwa trabahador sa dapithapong magkasabay silang lumalabas sa dambuhalang pabrikang iyon. “Wala yatang kaluluwa! Matagal na tayo rito, di man lang tayo inuumentuhan. Alam niyang pambili lang ng pandesal ang suweldo natin. Malaki naman ang kinikita ng pabrikang ito. (Inuuod.,139)

Sa kuwentong Dugo…, sa pagkakita ng mga manggagawa sa kabusabusang dinaranas, at katulad ng pag-unlad ng kapital, gayundin umuunlad, gaya nang nasabi na, umuunlad din ang kanyang kamalayan at natututong sama-samang kumilos.

Gayunman, dahil mula pa noon ay batid na ng imperyalismong US at ng mga bataan nito, ang namunukod na rebolusyonaryong potensiyal at papel ng uring manggagawa, magkaalinsabay na ipinatutupad ng mga ito ang mararahas at malulupit na panunupil sa katulad na kilusang pinamumunuan ni Kadyo at ang pagpapalaganap ng pambansa at makauring kolaborasyon, repormismo at ekonomismo, makitid na pananaw at kabulukan sa kilusang manggagawa.

Malinaw ang nabanggit sa kaso ni Mando: na minarapat na magtrabaho para buhayin ang sarili, kahit ang kahulugan niyon ay ang pagtatraydor sa kanyang mga kauri. (p. 115, 117, 118)

Dahil dito, nagiging antagonistiko, o marahas din, ang nagiging tugon din ng lumalabang manggagawa:

Bigla ang hindi magkamayaw na mga hugong na pumuno sa diwa ni Andong. Iglap niyang sinunggaban ang nakasandal na piko sa sulok ng bodega. Itinaas. At hinabol niya ang nakatalikod at papalayong kapatas.

Iniwan ni Andong na nakabaon ang matulis na dulo ng piko sa kaliwang mata ng nakabulagtang kapatas. (Buhawi, p.124-125)

Ganito rin sa mga magsasaka:

Kinabukasan ay kumalat ang balitang pinatay si Ka  Mamerto, ginilit ang leeg, nilaslas ang tiyan, at lumuwa, diumano, ang bituka. (Si Anto, p. 162)

Ordoñez at ang kanyang tugon sa hamon ng makabagong kultura at pag-iisip

Sa isang bahagi ng kasaysayan ukol sa pagbubuo ng PAKSA (Panulat para sa Kaunlaran ng Sambayanan, Disyembre 18-19, 1971), mababasa ang ganitong paninindigan:

“Sapagkat ang kultura ay repleksiyon lamang ng balangkas ng alinmang lipunan, at sa ating bansa, isang mala-piyudal at mala-kolonyal na sosyedad ang umiiral dahil sa mapambusabos na puwersa ng imperyalismong Amerikano at ng mga lokal nitong tuta – gaya ng mga ganid na asendero-komprador at mga tusong burukratang kapitalista – hindi katakatakang sa kasalukuyang panahon, isang burges at reaksiyonaryong panitikan ang ipinipilit na isalaksak ng naghaharing-uri sa kaisipan ng sambayanan para patuloy silang makapaghari at makapagsamantala sa matagal nang api at aliping masa.

“Bukod sa pasista at reaksiyonaryong estadong pinasususo ng imperyalismong Amerikano at ginagamit ng naghaharing-uri sa pagsikil sa sambayanan, ang kultura ay isa ring mabisang sandata ng mga ito para sapilitang lasunin ang kaisipan ng masang Pilipino. Dahil sa masamang epekto ng ganitong klase ng kultura, patuloy na nakapanghuhuthot ang imperyalismong Amerikano at ang mga kasabwat nitong uri sa ating bansa.

“Sapagkat bahagi ng kultura ang panitikan, at sapagkat ang mga manunulat ay taliba ng lipunan, isang tungkuling hindi dapat talikuran ng mga ito ang patuloy na paglikha ng literaturang kumakatawan, nakikisangkot at nag-aangat sa adhikain ng aping sambayanan, isang literaturang bubusbos sa bulok na lipunan, isang panitikang pangmasa na makalilikha at makabubuo ng isang hindi maigugupong puwersang rebolusyonaryo na magwawasak sa mapanikil na imperyalismong Amerikano – tungo sa pambansang demokrasya.”

Kagaya nang nasabi ni Mao sa kanyang talumpati sa Yenan, na siya rin—sa abang palagay—ay naging batayan ng pahayag ng makabayang mga manunulat na bumuo ng PAKSA na nasusulat sa itaas:

Sa mundo sa kasalukuyan, lahat ng kultura, lahat ng panitikan at sining ay nabibilang sa depinidong mga uri (classes) at nakaugnay sa depinidong mga linyang pulitikal. Sa katotohanan, walang tinatawag na sining para sa sining lamang, sining na nangingibabaw sa lahat uri o sining na hiwalay sa, o indipendiyente sa pulitika. (salin ng may-akda sa isang bahagi ng Art and Literature: Talks at the Yenan Forum, p. 18)

Hindi maitatatwang natugunan ni Ordoñez ang nabanggit na mga rekisito; kung kaya, marapat lamang na basahin at muling pagtibayin ang kanyang mga akda na masasabing isa sa dapat na basahing mga akda ng mga rebolusyonaryo at umiibig sa kalayaan ng bayan at ng lahat ng uring anakpawis sa buong mundo. (Sigliwa.tk)

Ibahin ang Paksa?

Ang Kasalukuyang Panulaang Makabayan
sa Panahon ng Krisis at Rebolusyon

Ang halaga ng tula ay sinusukat sa sugpungan ng rebolusyong pangkultura at sistemang malakolonyal at malapyudal, ng rebolusyong pangkultura at digmang bayan, ng rebolusyong pangkultura at sosyalistang konstruksyon; sa maikling salita, sa sugpungan at ugnayan ng kultura at pulitika. At alam na natin kung alin ang mapagpasya.

NI Gelacio Guillermo

Sa pandaigdigang kumperensya tungkol sa globalisasyon at terorismo na inisponsor ng National Council of Churches of the Philippines noong 2002, sinabi ng isang progresibong Amerikanong intelektwal na sa pamamagitan ng gera laban sa terorismo, tangka ng Estados Unidos na “ibahin ang paksa.”  Anya:  “Sa halip na mag-usap tungkol sa hustisyang panlipunan at pang-ekonomiko at kung paano itayo ang pandaigdigang pakikipagkapatiran sa mahihirap at dinudusta, ang mga gobyerno sa daigdig ay hinihila sa krusada laban sa masasamang gobyerno, yaong itinuturing ng White House na mga rehimeng hindi katanggap-tanggap.  Ang ibig sabihin nito, ang pakikibaka para sa hustisyang panlipunan ay kailangang maging pakikibaka rin laban sa pagpapatindi ng militarisasyon at paggamit ng dahas para ipataw ang isang bagong kaayusang pandaigdig na nasa kontrol at gabay ng Estados Unidos.” (William K. Tubb, “Globalisasyon: Pagkamkam sa Yaman at Kapangyarihan ng Mundo”)

Sa ating bansa, ang “pag-iiba ng paksa” ay nangangahulugan hindi lamang ng pagtalikod kundi ng pursigidong pagdurog ng mga naghaharing uri sa mga pambansa at demokratikong kahilingan ng mamamayan.  Sa pamamagitan ng Medium-Term Development Program (MTDP) (1993) na inilatag ng noo’y Presidenteng Fidel Ramos, sinasagkaan ang panawagan para sa pambansang industrialisasyon at tunay na reporma sa lupa (“makitid na nasyunalismo” ang turing in Ramos sa panawagn) para ipa-lapa ang pambansang ekonomya sa imperyalistang globalisasyon.  At ikalawa, sa pag-apruba ng Visiting Forces Agreement (VFA) at ACSA ng rehimeng Joseph Estrada noong 1999, ng Mutual Logistics Support Agreement (MLSA) noong 2002 at ng Anti-Terror Bill sa malapit na hinaharap bilang pagsunod ng rehimeng Arroyo sa doktrina ng Estados Unidos, mangangahulugan ng direktang panghihimasok ng mga Amerikanong militar at ng Coalition of the Willing sa gerang sibil o pambansang kilusang mapagpalaya sa ngalan ng imperyalistang gera laban sa terorismo.  Ibinabadya ito sa pagkakategorya kay Jose Ma. Sison at ng PKP/BHB bilang mga “foreign terrorist organization/individual” ng State Department, at sa paglilista ng mga militanteng organisasyong masa, party list at NGOs bilang kaaway ng estado sa video documentary, “Know your Enemy” (2004), na inihanda ng Armed Forces of the Philippines bilang gabay sa pagkilos ng mga pwersa nito laban sa naturang mga organisasyon at indibidwal.

Ang Paksang Pambansa-Demokratikong Bagong Tipo

Mahigit 40 taon na nang itakda ng rebolusyonaryong kilusan ang paksa o programa o adyenda para sa pundamental na pagbabago sa ating lipunang malakolonyal at malapyudal. Ang pagharap sa ganitong paksa ang ikinaiba nito sa mga kilusang rebisyonista at reaksyunaryo at sabihin pa’y sa lahat ng instrumento ng kapangyarihang pang-estado at ng naghaharing sistema.  Mula’t sapol at hanggang sa kasalukuyan, ang pagsusulong sa paksa ay hindi isang madaling gawain dulot ng maraming kadahilanan; sapat nang sabihing ang mga sagkang ito ay hindi lang mula sa labas ng kilusan kundi maging sa loob nito, tulad ng paglihis sa batayang linya at malalaking kamaliang nakapinsala sa takbo nito noong dekada otsenta ng nakaraang siglo. Gayunman, noong taong nakaraan (2004), buong kumpyansang ipinahayag ng pamunuan ang pag-iral ng “the other government” sa mismong tungki ng ilong ng kaaway.

Ang kawastuhan at kahalagahan ng paksa ng rebolusyong pambansa-demokratiko at kasunod na rebolusyong sosyalista para sa mamamayan ay pinatutunayan araw-araw sa kanilang buhay at pakikibaka sa ilalim ng nangakaraang rehimen at kasalukuyang rehimeng US-Arroyo. Sukatan ang matatag, malalim at malawak na pag-unlad ng digmang bayan at hayag na kilusang masa sa lunsod at nayon ng kanilang paglahok at pagsuporta sa rebolusyong pulitikal.

Rebolusyong Pangkultura

Ang rebolusyong pulitikal ay praktika ng pag-agaw sa kapangyarihang pang-estado para pagsilbihin sa pagsusulong ng interes ng mamamayan sa lahat ng larangan ng paggugubyerno at buhay panlipunan. Kaagapay nito at may sariling kaangkinan ang  rebolusyong pangkultura.  Sa karanasan ng kilusang pambansa-demokratikong bagong tipo, inumpisahan ang rebolusyong pangkultura sa anyo ng kilusang propaganda bago pa man ilunsad ang rebolusyong pulitikal sa anyo ng matagalang digmang bayan, at nagpapatuloy at nakapakat sa kondukta ng digmang bayan at hayag na kilusang masa na kaipala’y hindi nawawala ang kaangkinan ng rebolusyong pangkultura bilang isang malawakang kilusan sa buong lipunan sa loob at labas ng organisadong pormasyon.  Totoong kumplikado ang rebolusyong pangkultura batay sa teorya at praktika nito sa dating Unyong Sobyet at dating sosyalistang Tsina, kung kaya marahil ipinanukala ni Sison sa kanyang artikulo, “Ang Ating Tindig tungkol sa Sosyalismo” (1992) na masinsing pag-aralan ang proyektong ito dito at sa ibang bansa.

Para sa layunin ng talakayang ito, sapat nang tiyakin ang katangian ng rebolusyong pangkultura sang-ayon sa praktika ng rebolusyonaryong kilusan, una, bilang instrumento sa paghahanda sa kalooban ng mamamayan para sa pagbabago at maging bahagi ng pakikibaka tungo sa pagbabagong ito. Ikalawa, sa mauunlad na lugar sa mga larangang gerilya, kung saan nakatatag na ang mga lokal na organo ng kapangyarihang pulitikal ng mamamayan, tungkulin ng rebolusyong pangkultura ang pag-aayon ng kalagayang suhetibo o ang paraan ng pagtingin sa realidad, at ng kalagayang obhetibo, o ang pagbabagong material sa kapaligiran. At ikatlo, sa isa namang mas malawak na pagtingin, ang rebolusyong pangkultura ay ang suhetibong proseso ng pagbaklas sa mga gawing burges at pyudal para tanggalan ng suportang kultural ang lumang kaayusan sa ekonomya at pulitika.  Halimbawa nito ang tinatawag ng mga makata ng KM 64 na “pagdurog sa pader ng kabulaanan” (Manipesto 2004)

Panulaang Progresibo, Rebolusyonaryo

Nakapusisyon ang progresibo at rebolusyonaryong panulaan bilang partikular na aksyong pangkultura sa anumang antas ng pagpapahalaga sa rebolusyong pangkultura.  Taglay ng seksyong ito ng panulaang Pilipino ang paksa ng pambansang pagpapalaya at demokrasya mula pa noong dekada sisenta hanggang sa kasalukuyan sa harap ng mga pagbabago sa timbangan ng rebolusyon at kontrarebolusyon at sa pangkalahatang kalagayan sa pulitika, ekonomya at kultura ng lipunan. Tulad ng mga nauna, ang mga bagong makata ay mula sa hanay ng mga kadre, Pulang mandirigma, organisadong manggagawa at magbubukid, kabataang aktibista, at kaalyado mula sa panggitnang pwersa.Ang kanilang mga likha ay nalilimbag sa mga sentral na publikasyon ng kilusan at pahayagang masa sa rehiyon, sa mga tsapbuk, polyeto, website at blog at sa mga seksyong pangkultura ng mga alternatibong  ahensya sa pagbabalita. Malaganap ang paggamit ng Pilipino at mga wika sa rehiyon, samantalang mangilan-ngilan na lamang ang mga tulang nasusulat sa Ingles. Binabasa nila ang kanilang mga tula sa mga pagtitipon, halimbawa’y sa mga piketlayn, rali at iba pang pagtitipon.  Sa ilang hayag na babasahin, hindi na kakatwa ang pagsasama-sama ng mga tula mula sa mga sonang gerilya at kalunsuran, ng mga organisado at di organisado, at paminsan-minsa’y ng mga kabataan at matatandang makata. Ang porma ng mga tula’y maaaring sa malayang taludturan o may tugma’t sukat, may parikala o wala, humihiyaw o mapaglimi.  Ginagamit nila ang kolektibong pagsusulat tulad ng rengga (Indonesia) o ang kaparaanan ng pangkaraniwan nilang gawain, tulad ng pagtuturo ng alpabeto o political economy o ng pagtatala ng datos sa panlipunang pagsisiyasat.

Sa mga makabayang makatang nakabase sa lunsod, katangi-tangi ang mabilis nilang pagtugon sa maiinit na usaping hinaharap ng mamamayan sa araw-araw. Katulong sa pagbubuo ng kanilang mga tula ang mga impormasyong nakakalap sa masmidya, sa mga organisasyong pulitikal, pagmamasid sa kapaligiran at sa kanilang sariling karanasan sa pagkilos. Dagdag na init sa damdamin at pagkilos ang kanilang mga tula sa malawakang mga kampanya sa mga unang taon ng siglong ito, tulad ng kampanya laban sa pambobomba at okupasyon sa Iraq ng mga pwersang militar ng Estados Unidos at ng Coalition of the Willing, kasama na ang Pilipinas; sa pamamaslang ng mga lider at kasapi ng mga militanteng organisasyon at unyon ng mga manggagawa at magbubukid (tulad ng sa Nestle at Hacienda Luisita), at mga peryodistang nagsisiwalat ng katotohanan; sa ilihitimong paghahari ni Gloria Arroyo; sa gang rape sa isang Pilipina ng mga sundalong Amerikano sa Subic, at sa VFA na muling nagbibigay-laya sa mga dayuhang sundalo na yurakan ang pambansang soberanya; sa imposisyon ng E-VAT, at iba pang mga problemang iniuugat sa pamumuno ni Arroyo.

Tugong Taktikal ng Panulaan

Ang ganitong pagtugon ay maaaring tawaging TPR (Tactical Poetry Response o tugong taktikal ng panulaan) sapagkat umaayon sa layunin ng mobilisasyon ng mga pwersa sa aktwal na kampanya.  Ang panulaang ito ay nakaakma sa aksyong masa, diretso sa paksa at panawagan, palasak at malawak ang mga imahen, idea, damdamin at diwa.  Pangunahing halimbawa nito ang matatawag na mga tula ng lansangan sa lunsod at nayon, tulad ng “Kalatas sa Nag-uumulul na Tanda ng mga Panahon” ni Noel Sales Barcelona para sa kampanyang “Oust Gloria,” at ng “Mga Bukas na Liham sa Hacienda Luisita” ni Alexander Martin Remollino para sa kampanya ng mga manggagawa at magbubukid sa Hacienda Luisita.  May iba rin namang mga katangian ang ibang mga tula sa TPR, tulad ng pamamayani ng ironya sa mga tula in Rustum Casia (“Posterized,” “Luisita”) at Ronalyn Olea (“Hacienda Luisita”), o ng pagkonsentra sa isang detalye sa “Masaker” ni Usman Abdurajak Sali, o ng malawig na pagbubuo ng parikala sa “Mga Paru-paro sa Azucarera” ni Kristian Cordero.

Tugong Istratehiko ng Panulaan

Ang isa pang tipo ng pagtugon ay maaaring tawaging SPR (Strategic Poetry Response o tugong istratehiko ng panulaan).  Ang mga tula sa kategoryang ito ay tumutugon sa pangangailangan ng malawakan at matagalang paghahanda at pagpapaunlad ng lahat ng pwersa para tiyakin ang kaligtasan at tagumpay ng kilusan.  May kagyat na mga okasyong nakapaloob sa malalaking proyekto tulad ng armadong pakikibaka, rebolusyong agraryo, paggugubyerno, o hayag na kilusang masa, o kaya’y mga okasyon sa pagdiriwang sa mahahalagang araw ng kilusan, o kaya’y sa pulong-masa, iskuling, kasalan, luksang-parangal, sesyon sa pagpuna-at-pamumuna-sa-sarili at iba pa. Nagbibigay-daan ang mga okasyong ito para makalikha ng mga tulang ang kahalagaha’y lumalampas sa pangangailangan ng partikular na okasyon at mangyaring may paulit-ulit na paggamit sa mahaba-habang panahon.

Alam natin ang nilalaman at porma ng ganitong panulaan mula pa sa umpisa: ito ang mga tula nina Andres Bonifacio, Jose Corazon de Jesus, Amado Hernandez, Jose Ma. Sison, Wilfredo Gacosta, Emmanuel Lacaba at iba pa, mga tulang hanggang ngayo’y nananatiling makahulugan para sa mga rebolusyonaryong pwersa at mamamayan. Ang ganitong mga tula ay nakatuon sa pagpapatatag at pagpapalawak ng mga pwersa para sa matagalang pakikibaka.  Sa kasalukuyang siglo, mababanggit ang mga bagong likha sa nayon at lunsod, tulad ng “Binabago ng Partido ang Lahat” ni Ka Dario, ang “Paglingkuran ang Sambayanan” ni Ka Joven o ang “Tres/Otso sa Ikatatlumpu” ni Mario Ruso.

Ang iba namang tula ay nakabatay sa indibidwal na karanasan at pagmumuni-muni ng mga makata.  Karaniwa’y likha ng mga pwersa mula sa uring burgis at petiburgis: matalas ang pakiramdam sa kanilang bagong kapaligiran at karanasan, laging handang matuto at magbago at sa tuwina’y sinusukat ang sukdulan ng kanilang pagmamahal at paninindigan.  Nasa kategoryang ito ang mga tulang “Pag-aaral sa Oras,” “Ang Pakikipagkamay” at “Wika” ni Ting Remontado, ang “Tula’t Awit”  at “Pasalubong” ni Sonia Gerilya, ang “Datos ng Buhay” ni May Amor, at ang “To my first-born” ni Ka Pinay; at sa kalunsuran, ang simponya ng pamimighati at pananagumpay, ang “Kasama” ni Oliver Ortega.

Isinasama rito bilang eksibit ang teksto ng dalawang tula, ang “Walang Pag-aari” ni Sikhay Laya at “Datos ng Buhay” ni May Amor bilang halimbawa ng SPR. Kapwa sila tungkol sa pag-aaral/pagtuturo sa hanay ng mga manggagawa at magbubukid, mga tulang naglalarawan ng pedagodyi at pagsusuring panlipunan para sa edukasyon at pagkilos ng mga uring api para sa isang maaliwalas na kinabukasan.

Sa labas ng paradaym ng TPR at SPR ay umiiral ang dalawang uri ng panulaan.  Sa isang dulo ay ang misterium tremendum ng panulaang hermetiko, at sa kabilang dulo naman ay ang mga tulang sumasalipawpaw sa sub specie aeternitatis!

Patay na ang Panulaan?

Noong Agosto 24 ng taong nakaraan (2004), sa isang simposyum para sa Buwan ng Wika tungkol sa panulaang Filipino na itinaguyod ng UP Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas at Oragon Poets Circle, sinabi ng panauhing tagapagsalitang Fidel Rillo na patay na ang kontemporaryong panulaan hindi lang sa Pilipinas kundi sa buong daigdig. Sinang-ayunan ito ni Virgilio Almario, at sinisi ang mga kritiko dahil hindi nila ginagampanan ang kanilang tungkulin bilang tagapamagitan sa makata at odyens.

Marahil, ang ganitong panggugulantang ay isa lang probokasyon dahil sila mismo’y sikat na mga makatang patuloy na naglalabas ng kanilang obra. Hindi naman siguro lingid sa kanila, halimbawa, na noong 2002, ilandaang makatang Amerikano ang nagsumite ng ilanlibong tula sa US Congress na nagpapahayag ng kanilang pagtutol sa pambobomba at okupasyon ng kanilang gobyerno sa Iraq.  Sa ating bayan, hindi rin kaila sa kanila ang ilandaang tulang nalikha, nalimbag at naitanghal bilang ambag sa mga kampanyang masa (na sa ilang pagkakataon kamakailan ay nilahukan nila). Noong 2002, 2003 at 2004, idinaos ang malalaking pagtatanghal tungkol sa buhay at panulaan nina Amado V. Hernandez at Jose Ma. Sison. Noong 2002, pinamunuan mismo ni Almario ang Asia-Pacific Conference-Workshop on Indigenous and Contemporary Poetry bilang pagkilala sa umiiral na panulaan sa rehiyon.

Pero sa hindi sinasadya’y natukoy nila ang isang epekto ng rebolusyong pangkultura, na walang iba kundi ang unti-unting pagpawi ng mga gawi sa pag-iisip at pagkilos na humahadlang sa pagsusulong ng mga pagbabago sa lipunan. Tinangkang salungatin ni Almario ang ganitong pagsulong ng rebolusyong pangkultura noong 1982 (“Ang Makata sa Albanya: Isang Pagsusuri sa Tulang Makabansa”) at inulit noong 2000 (“Kapag Isinangkot ang Pagtula: Ang Panulaang Filipino tungo sa Bagong Milenyo”). Sa panulaang Pilipino, si Almario ang tagabandila ng “pag-iiba ng paksa.”  Hindi lang iyan: siya ang pangunahing tagatuligsa ng kasalukuyang panulaang bahagi ng tinatalikuran/pinagtataksilan niyang “mahabang tradisyon ng panlipunang pakikisangkot ng panulaang Filipino.”

Ano ba ang halaga ng tula sa lipunan? Ipinaliwanag na ito nina Lenin, Mao Zedong at ng makatang Aprikanong Aime Cesaire, at nitong huli’y ng Latinong Amerikanong manunulat na Eduardo Galeano, na nagwika: “Ang sabihing mababago ang realidad sa pamamagitan lamang ng panitikan ay isang kabaliwan o paghahambog.  Sa palagay ko, isa ring kalokohan na itatwang nakakatulong ito sa pagbabago.”

Ang halaga ng tula ay sinusukat sa sugpungan ng rebolusyong pangkultura at sistemang malakolonyal at malapyudal, ng rebolusyong pangkultura at digmang bayan, ng rebolusyong pangkultura at sosyalistang konstruksyon; sa maikling salita, sa sugpungan at ugnayan ng kultura at pulitika. At alam na natin kung alin ang mapagpasya. Ganito, sa palagay ko, ang ibig iparating ng rebolusyonaryo-makatang Ting Remontado sa kanyang awit:

Kaya nga’t buhay mismo ay alay

Di lang luha, sigaw, tula at awit

Himala at pangako’y wala ang langit

Sa harap ng dahas buhay makakamit

Kaya nga’t alay mismo ang buhay

Ngayo’y di na kaila sa akin kung bakit

(“Dahil”)

Unang nalathala sa Bulatlat.com

Binasa noong 18 Nobyembre 2005 sa “Asintado: Ang Makata sa Panahon ng Krisis” sa Bulwagang Rizal, U.P. Faculty Center.  Inisponsor ang simposyum ng KM64.

Ang mga tulang binanggit ay matatagpuan sa: Ulos, Antolohiang 40: Mga tulang alay sa mga martir na kabataan, tsapbuk at manipesto ng KM 64, at Anahaw, mga tula, salin at awit nina Sonia Gerilya at Ting Remontado.

Salubungin ang (bagong) daluyong ng mga Agos sa Disyerto

Pabalat ng Mga Agos sa Disyerto, 1993
Pabalat ng Mga Agos sa Disyerto, 1993

SA PANAHONG tila natutuyuan ang mga linang ng panitikan noong gitnang bahagi ng dekada ’60, dumaloy ang mga akda nina Efren R. Abueg, Dominador B. Mirasol, Rogelio L. Ordo­ñez, Edgardo M. Reyes at Rogelio R. Sikat, sa aklat katipunang Mga Agos sa Disyerto.

Unang buhos ng daluyong ay noong 1964 at isang dekada ang lumipas, muling umalon at binasa ang namimitak na lupain ng panitikang Filipino nang mailimbag ang ikalawang edisyon ng Mga Agos sa Disyerto noong 1974.

Huling sargo ng daluyong ng Agos ay 16 na taon ang nakararaan, nang lumabas ang ikatlong edisyon nito noong 1993.

Ngayon, sa panahong sampu isang pera ang patakbuhing literaturang patuloy na lumuluoy sa diwa at kaluluwa ng mga Pilipino, muling nagbabanta ang pagbugso ng mga Agos sa Disyerto.

Mga akdang bumasag sa ilusyon at mga kumbensiyon ng panitikang Tagalog

HINDI maitatatwang isa ang Mga Agos sa Disyerto sa mahahalagang aklat-katipunan ng mga akdang nasusulat sa sariling wika dahil ito ang nangahas na bumangga, hindi lamang sa kumbensiyon sa umiiral na panulatan, kundi pinatunayang kaya nitong makipagsabayan sa sinasabing maiinam na akdang nasusulat sa wikang Amerikano.

Bumangga sa kumbensiyon, dahil ang mga manunulat na bumuo sa Agos ay hindi kailanmang nagtimpi, sa paggamit nila ng wikang sarili (magalang at “santo” ang mga akdang nasusulat noon sa Filipino o Tagalog; kimi, hindi nagmumura at lalo’t higit sa lahat, dumalirot man sa isyu ng libog, nananatiling “nakadamit” ang pagnanasa), at maging sa pagtalakay sa mga paksang iniiwasang talakayin noon ng mga manunulat sa wikang Tagalog (na magiging Filipino noon 1987).

Inasinta rin at pilit na pinaguho ng mga alon ng Agos ang umiiral na komersiyalismo, o ang mga pangiliting akdang pampanitikang inilalako sa mga magasing lingguhan na karaniwang naglalaro sa pantasya, malalagkit na mga pagtitinginan at makapanindig-balahibong mga pag-iibigan, at mga katatakutan.

Ayon nga kay Dr. Bienvenido Lumbera, Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan at tumanggap ng Gawad Ramon Magsaysay sa Pamahayagan at Panitikan, sa isinulat niyang introduksiyon para sa libro noong 1993,

Sa Mga Agos sa Disyerto, hinarap din ng mga manunulat ang mga diyos ng komersiyalismo na nangakaluklok sa patnugutan ng mga lingguhan. Sa pamamagitan ng kanilang mga akdang pinarangalan sa Carls Palanca Memorial Awards, ipinamalas nilang dapat nang iligpit ang mga pormula sa pagsusulat ng popular na kwento…[1]

Pananalamin sa tubig ng katotohanang panlipunan

Sinalamin ng 25 akdang isinama sa Agos (na 20 lamang noong ika-2 edisyon) katotohanang umiiral sa lipunan. Binigyang mukha ng mga ito ang kalagayan ng karaniwang tao, maging ang pingkian ng kapangyarihan at karumaldumal na karalitaan at kawalanghiyaang umiiral sa ating lipunan.

Nilaro ng mga akda ang emosyon at kaisipan, na bagaman ginagawa na noon, hindi ganoong kahantad.

Mga Ariel at Cleofe sa Pilipinas sa kuwento ni Abueg

Amor vincit omnia, sabi ng matandang kasabihang Latin—hahamakin ang lahat, maging ang umiiral na mga patakarang panlipunan, sa ngalan ng pagibig at ito ang tila ibig patunayan ng akda ni Abueg na Sa Bagong Paraiso.

Magkalangkap, at hindi mapaghihiwalay, ang laman at ang puso, ang libog at ang pagibig; ito ang nalaman nina Cleofe at Ariel nang pangahasan nilang lasapin ang bawal na bunga at magsupling ito, sa kuwento ni Abueg na Sa Bagong Paraiso.

Sabi ng pamosong sikoanalistang si Sigmund Freud, ang pagnanasa ang isa sa pinakamalakas na emosyong maaaring maramdaman ng isang tao.

Aniya pa, ang seksuwal na pagnanasa’y nararanasan ng isang tao mula sa kanyang pagkabata hanggang sa kanyang pagtanda. Tila ito ang binaybay ng istorya ni Abueg.

Sa ngayon, maraming Cleofe at Ariel sa mga kabataang Pilipino. Dahil ayon nga saYoung Adult Fertility and Sexuality Survey (2003) 23 porsiyento ng kabataang Pinoy, ang tumitikim ng ipinagbabawal na bunga, gaya nang sinasabi sa istorya ni Abueg.

Karalitaan at ang mga Clemenia, Carina, at iba pang babae sa dampang may ilaw-dagitab sa lipunang Pilipino

Prostitusyon, anila, ang pinakamatandang propesyon sa daigdig. Sa Bibliya, maraming puta. Karamihan sa kanila, nasa templo mismo ni Yahweh.

Sa kasalukuyan, pagtantiya ng Amihan (Pambansang Kalipunan ng Kababaihang Magbubukid), nasa 800,000 noong 2005, ang mga kababaihang nasadlak sa prostitusyon bunga ng kahirapan.

Sa mga kuwentong Mapanglaw ang Mukha ng Buwan at Ang Lungsod ay Isang Dagat ni Abueg at Di Maabot ng Kawalang Malay ni Edgardo M. Reyes, tinalakay ang isyu ng prostitusyon.

Batay sa pagtaya ng Amihan, 200,000 kababaihang napilitang magputa para lamang may maipakain sa kanilang mga pamilya, ang nasa kanayunang giyagis pa rin ng karalitaan. At karamihan sa kanila, ang puri ang bayad para sa ilang kilong bigas.

Saglit na nag-atubili si Clemenia. Subalit nang manlalim sa kanyang paningin ang mga guhit sa mukha ni Aling Maring ay maliksi niyang dinampot ang isang panyuwelong itim sa sandalan ng silya at ipinugong iyon sa kanyang buhok…

Ngunit hindi lamang si Clemenia ang nagputa sa kuwento ni Abueg, maging si Mang Itoy. Isinuong niya ang dangal at buhay para lamang mailigtas ang buhay ng naghihingalong asawa.

Karalitaan din ang nagbunsod sa ina ni Ida, kung bakit naging kalapati itong mababa ang lipad, sa kuwento ni Reyes (Di Maabot…).

“M-magugulat si… si Emy,” ang sabi ni Ida. “’Kala siguro n’ya, di tayo… di tayo nagkakaro’n ng pansit! ‘Kala siguro n’ya, panay lu…lugaw ang kinakain natin!”

Sa puntong ito, hindi na kagulat-gulat kung bakit marami ang babaing nagsasangla ng kanilang puri at parang pansit na sumabulat, gaya nang dala ni Ida na ibibigay sana sa kalaro, at humagis pakalat, hanggang sa makutim na na labak sa kanal: dahil maraming pamilya pa rin ang lublob sa kahirapan.

Napakabangis pa rin ng lungsod sa kakaning-itik

Hindi nagliliwat ang isyu ng karalitaan sa Pilipinas, sa kabila ng sinasabing pag-unlad na ipinamamalita ng gobyerno.

Sa pinakahuling sarbey ng Social Weather Stations (SWS), 9.3 milyong pamilyang Pinoy ang lublob sa karalitaan; 7.2 milyon naman ang nasasalat sa pagkain; at sumirit ang bilang ng nagugutom: mulang 2.9 milyong pamilya, patungong 3.7 milyon sa ikalawang kuwarto ng 2009.

Si Adong, maralita at gutom, sa kuwentong Mabangis na Lungsod (Abueg). Maraming tulad niya sa Pilipinas—40.8 porsiyento ng populasyon ng mga batang tulad ni Adong, maralita—ayon sa National Statistical Coordination Board.

Iniluluwal nang labis na karalitaan, ang karahasan (Eli, Eli Lama Sabachtani?; Ang Biktima Ni Dominador B. Mirasol). At karaniwan ang maralita’y pinagkakaitan ng katarungan (Isang Ina sa Panahon ng Trahedya, Mirasol).

Bulok kasi ang sistema ng katarungan sa Pilipinas. Ang timbangang hawak ng babaing nakapiring, laging nakasandig sa may mga kuwarta, karamihan sa mga abugado de kampanilya (kuno) ay mga mukhang pera, at sa pulitiko, nananaig ang padronismo.

“Tulad ng naipangako ko sa inyo, lumapit ako sa Presidente kahapon din,” simula ng Diputado. “At komo nga magkasalungat kami ng paniniwala at magkaibang partido, medyo pinaringgan ako. Puwede raw hong pagbigyan niya ako sa gusto ko, pero por pabor naman daw, pagbigyan ko raw siya sa hihilingin niya sa akin…” – sipi mula sa Eli, Eli…, Mirasol

Sa lipunang ito, kung sino ang gumagawa at nagpapagod, siya ang hindi umaani ng bunga ng kanyang pinagpawisan.

Sina Rogelio L. Ordoñez at Mirasol ang nagpakita ng napakarawal na kalagayan ng uring manggagawa sa kanilang mga kuwentong Dugo ni Juan Lazaro, Buhawi, Inuuod na Bisig sa Tiyan ng Buwaya, Mga Aso sa Lagarian at Makina.

Bagaman ang mga manggagawa at magsasaka ang pinakagulugod ng pambansang ekonomiya, sila ang umaamot sa kaunting mumong nalalaglag sa dulang ng namamanginoon:

“Putang ‘nang White ‘yan,” sabi minsan ng isa nilang kapwa trabahador sa dapithapong magkasabay silang lumalabas sa dambuhalang pabrikang iyon. “Wala yatang kaluluwa! Matagal na tayo rito, di man lang tayo inuumentuhan. Alam niyang pambili lang ng pandesal ang suweldo natin. Malaki naman ang kinikita ng pabrikang ito. (Inuuod…, Ordoñez)

Ipinagmamaramot pa sa kanilang mga kakaning-itik, kadalasan, itong mumong ito, kadalasan:

Basta, sasabihin niya: “Meron ho ‘kong kar’patan! T’yak hong meron ‘kong karapatan! (Isang sipi mula sa Makina, Mirasol).

Dahil sa kaapihang dinaranas, natututong lumaban ang mga manggagawa. Pagkaminsa’y marahas na uri ng paglaban ang ginagamit ng mga obrero para igiit ang kanilang mga karapatan sa disenteng sahod at pamumuhay.

Bigla ang hindi magkamayaw na mga hugong na pumuno sa diwa ni Andong. Iglap niyang sinunggaban ang nakasandal na piko sa sulok ng bodega. Itinaas. At hinabol niya ang nakatalikod at papalayong kapatas.

Iniwan ni Andong na nakabaon ang matulis na dulo ng piko sa kaliwang mata ng nakabulagtang kapatas. (Buhawi, Ordoñez)

Sa mundo ng paggawa, gaya halimbawa ng call center, ipinalalaganap ang espiritu ng indibiduwalismo. Ang cubicle ang nagsisilbing hadlang para malayang makapagtalakayan ukol sa karapatan ang mga manggagawa.

Ginamit ng kapitalista ang pangangailangan ng manggagawa upang banggain ang kapwa niya obrero, gaya nang isang senaryo sa Dugo ni Juan Lazaro:

“Basta magpatuloy ka lang sa pagtatrabaho, daragadan ko ng limampung piso ang sahod mo,” sabi ng tagapamahala. “At kahit matapos ang welga, mananatiling gayon ang iyong sahod.”

Patuloy na nalulugmok ang mga nayon at naghihimagsik ang mga Anto

Ayon pa rin sa NSCB, nasa kanayunan pa rin ang napakaraming bilang ng maralita sa Pilipinas. Karamihan sa kanila, mangingisda at magsasaka.

Itinuturong dahilan ng karalitaan sa kanayunan ang kawalang lupa ng mga magsasaka. Malaking bahagdan pa rin ng mga magsasaka ang walang lupa.

Isyu ng kawalan ng lupa ang kuwentong Tata Selo ni Rogelio R. Sikat at Si Anto ni Ordoñez.

Sabi ng mga palamasid, ang naglalagablab na digmang bayang inilulunsad ng New People’s Army (NPA), ang naaarmasang sektor ng Partido Komunista ng Pilipinas (1968), ay dahil sa isyu ng lupa.

Hindi lamang ngayon nagsimula ang paglaban ng mga magsasaka para sa karapatan sa lupa. Mula panahon ng pananakop ng mga Kastila, ang himagsikan ay nag-ugat sa pangangamkam ng mga lupain ng mga prayle at mga nasa gobyernong Espanyol.

Hindi iilang buhay ang nabuwis sa ngalan ng lupa. Ang pinakatanyag, ang naganap na pagbubuwis ng buhay ng mga magsasakang nagmartsa pa-Mendiola noong Enero 22, 1987 at ang pagpatay sa mga nagaklas sa Asyenda Luisita noong Nobyembre 16, 2004.

Pawang mga biktima ng pangangamkam ng kanilang mga lupain—mga lupaing karugtong ng kanilang buhay at pagkatao—ang mga tauhan sa mga kuwento nina Ordoñez at Sikat.

Marahas ang kanilang naging paghihiganti sa mga kasiki. Tinaga ni Tata Selo sa bunganga ang kabesa samantalang si Anto, nilaslas ang lalamunan at winakwak ang tiyan, ni Ka Mamerto.

Ipinakita naman ni Reyes, ang kabalintunaan sa kanyang kuwentong Lugmok na ang Nayon.

Nakangingilo ang ingit ng gulong ng kariton. Malayo na kami. Sa tingin ko’y tila madilim na dawag na lamang ang Sapang-Putol. Pinagmasdan ko ang laman ng kariton. Ito’y isa nang napakalaking kayamanan ng nagsasalat na nayon, naisip ko. At sa Sabado, ito’y pagpapasasaan at sasandat sa maraming tagalunsod.

Totoo, ito, sa abang palagay. Totoong mayaman ang Pilipinas ngunit naghihirap ang maraming Pilipino.

Ibang pang mga tálâ

Gaya nang katubigan, husto Ang Mga Agos sa Disyerto, sa lalim at babaw; sa lapad at kitid; sa pagiging maingay at tahimik.

May mga kuwentong nakapagngingitngit, gaya nang nabanggit na sa itaas. May humihipo sa puso. May sumusugat at may nagpapahilom.

Kuwento ng sakripisyo at pagibig ng mga ina ang kuwentong Isang Ina sa Panahon ng Trahedya (Mirasol); Eli, Eli, Lama Sabachtni? (Mirasol); at Gilingang Bato (Sikat).

Paghahanap ng kahulugan sa buhay at pagkatao, ang ibig iparating sa mambabasa ng mga kuwentong Sa Piling ng mga Bituin (Ordoñez) at Emmanuel.

Pagibig at kasawian naman ang tumining sa kuwento ni Sikat na Quentin (ala-Hunchback of Notre Dame ni Victor Hugo), samantalang pagbabagong-loob ang kuwentong Ang Kura at ang Agwador (na dahil sa kasimplehan, parang kuwentong pambatang naligaw sa isang katipunan ng akdang “pangmatanda”).

Kung totoo man ang pamahiin, ang tinatawag na balisa, ang Dugo sa Ulo ni Corbo (Abueg) at Lupain sa Sariling Bayan (Sikat) ang mabisang naglarawan sa mga ito; ang una’y ukol sa sundalong malapit nang mamamatay at ang huli, ukol sa abugadong ayaw bumalik sa lupang tinubuan, gayunman, doon din magbabalik sa araw ng kanyang libing.

Katapatan at korupsiyon ang ibig namang ipamarali ng kuwentong Daang-bakal ni Reyes.

Panahon na muling padaluyin ang Agos

Sa panahong muling nararanasan ang katuyuan sa linang ng panitikang Pilipino, dahil na rin sa pamamanginoon sa diyos ng komersiyalismo, gaya nang sinabi ni Lumbera noong 1993, umaasam ang maraming mulat at uhaw ang pag-iisip sa muling pagdaloy ng Mga Agos sa Disyerto.

Hindi himod sa pundilyo, ang pahayag; isa itong katotohanan, sa abang palagay, nalalaman ng lahat bagaman patuloy na itinatanggi ng karamihan.

Patuloy na nararahuyo ngayon sa panitikang nagkakandili nang hindi malulunok na mga ilusyon, nakasentro sa libog at pagkamakasarili, ang maraming mambabasa.

Panahon na para muling padaluyin—hindi—dapat pasarguhin ang agos. At hayaang paglawain nito ang uhaw at namimitak na linang ng panitikang Pilipino at nang sa gayon, hindi ito maging disyertong katatagpuan ng mga kalansay, mga siit, ng damong tuyo at naghihingalong Oasis na hindi man lamang makatighaw ng pagkauhaw ng puso, isip at kaluluwa ng isang Juan de la Cruz.

Antipulo, Rizal | Agosto 20, 2009


[1] Mga Agos sa Disyerto, Ikatlong Edisyon, pahina v, 1993

Interbyu kay Noel Sales Barcelona by Diana Hofilena

Pasakalye:

Unang-una, gustong magpasalamat dahil sa pagkakataon na ibinigay mo sa akin para makapaglahad ng kaunti kong nalalaman sa pagsusulat. Pero aaminin ko, hanggang ngayon, patuloy ang ginagawa kong pag-aaral para mapag-igi at mapakinis ang aking pagsusulat. Isa kasing dinamikong sining ang pagsusulat; dinamiko dahil gumagalaw siya gaya ng mga tauhan sa mga isinusulat ko na karamihan ay bahagi ng aking reyalidad at ilusyon.

Sinipi ko ang mga tanong mo at kasunod ng bawat katanungan ang kasagutan ko naman (bagaman may ilan akong iwinasto sa mga tanong mo; para sa kalinawan na rin ng babasa ng talatanungang ito).

Diana M. Hofileña (DMH): Paano ka pumipili ng paksa sa gagawin mong kuwento?

Noel Sales Barcelona (NSB): Ilang beses pa lamang ako gumawa ng short fiction o tinatawag na maikling kuwento. Karamihan nga rito, hindi pa na nailalathala pero, sa trabaho ko sa Pinoy Weekly bilang isang investigative reporter at mananaliksik, karaniwang ibinibigay ang paksang susulatin o kaya naman, sa ilang pagkakataon, nagmumungkahi ako ng gusto kong isulat.

Hindi ako naniniwala na kailangan na ang isusulat mo ay alam na alam mo na. Pero, makatutulong para sa isang manunulat na magsimula ka sa mga bagay na alam mo. Halimbawa, ang alam mo, tungkol sa pagibig, e di magsulat ka ng tungkol sa pagibig. Pero hindi rin naman pupuwedeng ikahon mo ang sarili mo sa ganoong paksa.

Mabalik tayo sa pinag-uusapan natin, iyong tungkol sa paano ako namimili ng paksa sa mga kuwentong isusulat ko.

Gaya nang nabanggit ko na, pinipili ko hangga’t maari iyong mga kuwentong hindi de-kahon o iyong sinasabi nating ‘stereotyped’ o kaya naman ‘trivialized’. Marami kasing manunulat ang gumagawa ng ganyan. Gaya halimbawa ng mga kuwento sa pocket books—foreign publication man o lokal na laging umiikot ang istorya sa pagtatagpo ng isang lalaki at isang babae, tapos ay mauuwi sa pakikipag-sex, magkakatampuhan sila, magkakatagpong muli, mararamdamang umiibig pa sila sa isa’t isa at sa bandang huli, magsasama sila. And then, they will live happily ever after.

O kaya naman, fantasized stories. Bagaman aaminin ko na naaaliw pa rin ako sa mga paksang ganoon, pero hindi lamang naman labanan ng good and evil ang nangyayari sa mundo na ang tunggaliang ito ay malulutas sa pamamagitan ng isang kumpas ng magic wand.

Ang kailangan natin, maugat ang pinagmumulan ng kapanyayaan o evilness (halimbawa, iyong inhustisya, pang-aabuso, atbp). Gusto ko masagot iyong tanong na iyon—saan nagmumula ang mga ito?

Kaya, sa pagpili ko ng paksa, gusto ko iyong mga hindi pa gaanong nadadalirot ng kapwa kong manunulat o kaya naman, kung ‘naikuwento’ na, iyong mga paksang mabibigyan mo pa ng bagong anyo at lasa para sa mga mambabasa mo.

Gaya halimbawa ng karalitaan ng kalakhan ng mamamayan. Gustung-gusto kong dalirutin sa mga istorya ko iyan. Kasi, iyon ang totoo at iyon talaga ang nagaganap sa paligid ko. Sa kuwento ng karalitaan, marami kang malilikhang kuwento o balita o artikulo. Marami kasing anyo ang karalitaan: iyong mga magsasakang inagawan ng lupa o nakapaloob sa sistemang kasamá (tenant-landlord relationship), maralita sila dahil hindi nila pag-aari iyong kasangkapan sa produksiyon, kasi wala nga silang lupa. Iyong mga manggagawa na arawan (daily-wage workers), maralita sila dahil wala naman silang ibang pag-aari. Mga tipong ganoon.

Sa madaling-sabi, pinipili ko iyong mga paksang naglalarawan sa tunay na kalagayan ng mga tao sa paligid ko. At ito ang pamantayan ko ng pagpili ng senaryo ng aking ikukuwento.

DMH: Saan mo ibinabatay ang katangian ng mga tauhan mo sa ginagawa mong kuwento?

NSB: Ibinabatay ko iyong mga tauhan ko sa kuwento ko sa mga taong nasa paligid ko—mga babaing napilitang magputá para lamang kumita at makakain siya at ang kanyang mga anak; mga manggagawang natatanggal sa kanilang trabaho; mga magsasaka na inagawan ng lupa; mga kapatid ko at mga magulang ko… minsan ang sarili ko…

Kaya may ilan kang mababasang kuwento ko sa diyaryo man o sa magasin, o kaya maging sa mga tula ko na, pamilyar sa iyo ang tauhan.

DMH: Ano ang batayan mo sa pagpili ng tagpuan o setting ng ginagawa mong kuwento?

NSB: Eh di ang paligid ko. Mga lugar na napuntahan ko. Ganoon.

DMH: Papaano mo binubuo ang banghay o mga kaganapan sa ginagawa mong kuwento?

NSB: Nakabatay ito sa buhay o karanasan ko o ng mga tauhang ginagamit ko sa kuwento ko. Kung paano nila ito inilahad. Pero minsan, ibinabatay ko ito sa kung paano tatakbo sa loob ng isip ko ang kuwento.

DMH: Papaano mo nahuhulma ang wakas ng mga kuwento mo?

NSB: Laging open-ended ang mga kuwento ko. Bahala na ang mga mambabasa na magbigay ng wakas. Pero nagbibigay rin ako ng mga hint o mga pananda kung paano dapat magtapos ang kuwento. Pero madalas, halimbawa sa isang suring-balitang isinusulat ko, ang nagtatapos ng kuwento ko, iyon mismong taong nagkukuwento.

DMH: Ano ang mga teorya na ginagamit mo sa mga kuwento mo?

NSB: Social realism o realismong panlipunan. Iyon ang teoryang ginagamit ko bilang gabay sa pagsulat ng isang kuwento.