Ang Halimuyak ng Quiapo sa Dilim

MAIKLING KUWENTO

MAHABA pa ang hapon, sa loob niya. Matiyaga siyang naghihintay at panaka-nakang hinahagod ang nangangalay na hita. Uupo sa hagdan ng LRT-Carriedo station. Maninigarilyo, bibilangin ang baryang kanina lamang ay nagpapabigat sa bulsa ng hapit niyang itim na leggings. Pinapawi niya ang ginaw sa usok ng sigarilyo at ng mga sasakyang naantala sa pagtakbo dahil na rin sa pasaway na mga pasahero, mga pedestrian at katulad niyang tambay sa pook na iyon na laging kulimlim, maputik kapag umuulan, mapanghi at masangsang ang amoy. Continue reading

sahod-ulan

tigang pagkaminsan ang bukid ng isipan...

Siyam-siyam ang ulan. Subalit minsan, ang patak ng ulan sa atip ng isipan ay napakadalang. Parang paghihintay sa pagpatak ng ulan sa alinmang maumidong araw sa buwan ng Marso.

***

Kagaya ng pinitak sa tuwing sasapit ang tagtuyot, bitak-bitak na dumarating na mga kaisipan. Waring mababasag ang bawat piraso kapag pilit na pinaghugpong at walang silbing pagpatubuan ng anuman. Malibang may nakaantabay na ipong tubig sa balon o malaking katingan at pagtiyagaang pawiin ang bawat bitak sa pamamagitan ng pagpapadaloy ng sariwang tubig sa sugatang kaisipan.

***

Pagkaminsan, tila bagyo naman ang dating ng mga kaisipan — humahagunot, bumabayo. Napakahirap paamuin, napakahirap na pigilin. At sa ganitong panahon — para-parang ibig na mapagod ang isip at ipanalangin ang kagyat na paghinto sapagkat ang naunang naipunlang magagandang pangitain ay unti-unting nababalaho, naglalaho: tinangay na ng malakas na hangin at linunod ng ulang pabugsu-bugso.

***

Sinasahod ng isip ko ngayon ang ambon. Uhaw siya sa bagong mga kaisipan — banal at karnal. Nauuhaw siya at agad niyang isinasahod ang kanyang dila sa ambong hindi man lamang makabasa ng kanyang barong suot. Subalit maghihintay siya at hindi maaampat ang kanyang pananabik. Kapag lumakas ang ulan, isasahod niya ang basag-ang-bibigang tapayan para roon ipunin ang ilang matamis at mapaklang patak ng ulan.

Kung lumakas man ang turbunada, magsiyam-siyam man ang ulan ay walang takot siyang lalabas at sasalunga sa alimpuyo ng hangin at agos. Bakit? Dahil uhaw siyang katulad ng bukid na ilang ulit na pinagkaitan ng patak ng ulan. Kaya, kahit na umapaw pa’t hindi niya kayang tanganan — hahayaan lamang niyang dumaloy at umapaw ang lahat ng ideya… at saka naman niya pababayaang lunurin ng mga salita ang blangkong papel na nasa harap niya…

Elipsis

sa pagitan ng mga salita
malaking patlang
tatlong tuldok
ang tulay
ng diwang di mag-ugnay.
subalit ang palaisipan
matapos ang patlang
maari kayang madugtungan
ang isang nakaraan
kahit pa di natatapos
ang tawag ng kasalukuyan?

Cushion

Whenever there’s a difficult situation coming, for example, in the economy, the experts will always suggest – if not – provide some safety nets to cushion the impact of the negative situation to the much affected.

There were times that I felt that I am a cushion – a soft material that always receive the greatest hit or blow, shielding others for them not to feel the worst effect of that hit or blow. In other words, I am the one who is much affected while the others are sitting pretty, as they say.

***

There’s something unusual with me, which I am not going to tell for now. Many people, with deep and grave problems, hurts and jinx, are coming to me for comfort, for assurance, for help. I guide them how to make their lives better, in a fast paced manner, while mine is going slower like the old windmill built on a shallow brook. But thank God that I am still insane despite all the negative energies that I am getting whenever I help other people.

***

But one must react negatively about the aforementioned statement. I act, not only out of duty, but out of love. I don’t want other people to get hurt neither can I afford to see them suffer. Although there were many times that I tried to ignore them. But it’s like that there is Someone who’s sending them to me. Nevertheless, some of my help aren’t for free. I have to admit, I have also my personal needs. However, whenever the person begs not to give me anything, a simple touch or thank you, would suffice. I am not a materialistic person. Neither I am a saint. I am just easy to please.

***

As I write this blog entry, I am talking with the two loneliest women in the world. This is exaggeration, yes. But for me, as I can see, they have that melancholy that can never be equated with mine… I will share their stories… if they will permit me…

sapagkat madalas mapait, di matamis ang mga gunita

hindi nakalilimot ang puso
ang sugat ng kahapon
ay ‘di maitatagong pilat
sa pagitan ng puso at bungo.
katulad ng ukit sa lapida sa nitso
hindi mabubura ng bagyo
ang nakasulat dito.
hindi kayang mabura
ang mga alaalang nagkapira-piraso.

huwag mo akong tanungin
kung bakit laging may dalang dimdim
ang alaalang dumadalaw
sa pagsapit ng dilim
sapagkat madalas kaysa hindi
naalala ng puso at isip
ang mga mapapakla’t mapapait
at madaling malimutan
ang sarap at tamis
ng unang halik at pagtatalik…

Nakapagtataka… nakamamangha…

Ang sabi ni Einstein,

The most beautiful thing we can experience is the mysterious. It is the source of all true art and all science. He to whom this emotion is a stranger, who can no longer pause to wonder and stand rapt in awe, is as good as dead: his eyes are closed.

Ako man, lagi pa rin akong bighani ng pagtataka’t pagkamangha — sa maliliit o malalaking bagay man. Hindi ko pa rin maubos maisip na mayroon pa ring mga bagay, kahit na napakabilis ng pagsulong ng agham at teknolohiya, ay nananatiling misteryoso. Continue reading

Halik

Kung hahagkan kita
Ng halik na mapait—
Sa paglapat sa labi’y
Ito kaya’y tatamis?

Gamot kaya itong
Kayang paghilumin
Ang sugat na nag-ukok
Sa kaibuturan ng damdamin?

Kung gagawaran ka
Ng mainit na halik—
Pulot ba itong walang kasintamis
O lasong sa libing maghahatid?

Kung hahalikan kita
Nang buong suyo’t tamis—
Hindi kaya papait
Ang lasa ng halik
Kung matuklasang
Sa puso’y iba ang katalik?

Calatagan, Batangas: Muling Pagsulyap

Larawan mula sa http://www.yugatech.com/photos/?a=lago-de-oro-calatagan-batangas

BATA PA AKO nang una akong makarating sa probinsiya ng tiyahin ko: Calatagan, Batangas. Apat na oras na biyahe mula terminal saPasay, apat na oras ding pagsasawa ng tingin sa berdeng-berdeng pinitak na natatamnan, kundi man ng pinya (sa bahagi ng Lungsod ng Tagaytay sa Kabite), ay palay o mais. Panaka-naka, makikita mo sa kahabaan ng lansangan ang nanginginaing mga baka at kalabaw, mga dayong ibong matiyagang naghihintay nang masisila sa bagong katutubig na mga palayan, mga magsasakang nagsusuyod o nag-aararo ng bukid. Para sa akin, ang Calatagan ay isang bunton ng hindi malilimutang mga alaala.  Continue reading

Sa aking mga mambabasa

Sa ika-17 ng Hulyo, magdadalawang taon nang lumalangoy sa kalawakan ng birtuwal na reyalidad ang blog na ito. Sa loob ng dalawang taon, mahigit 40 libong katao na ang tumingin at nag-usisa sa kung anumang kabaliwang nasusulat dito: mga tula ng protesta; nakaririmarim at pagkaminsa’y malibog na kuwentong buhay; mga sanaysay na naglalaman ng kuru-kuro; at mga larawang hinalbot sa kung saang website at inilagay rito. Continue reading

Pagkaminsan

Pagkaminsan
Parang ulan
Sa tag-araw
Bihirang pumatak
Bersong pumupugnaw
Sa pusong sintigas
Ng pinitak
Na hindi nahahagkan
Ng inaasam na ulan.

 
Subalit
 

Pagkaminsan
Parang daluyong
Humuhugong
Ang mga salita
Sa muog at tanggula’y
Kayang gumiba!

 

Lungsod ng Antipolo, Hulyo 11, 2011