2014

Sumisipa ang pag-asa, sabi nila. Latay sa katawang pata na nasa kalsada. Ngunit tila iba ang bakas ng pag-asa — may halong dugo ang iniwan nitong tanda sa pagod na kaluluwa. 

Ang Mundong Ibig Namin (The World We want)

Ano nga ba ang ideyal na mundo para sa mga katulad ko? Mundong walang nagugutom at nauuhaw; walang nagkakasakit at namamatay dahil sa karamdamang mayroon namang lunas; walang giyera at walang kaguluhan.

Kung tutuusin, kung bubuksan lamang natin ang puso natin, maaaring makamit natin ito. Sa mga bansang kasapi ng Nagkakaisang Nasyon (United Nations) — bakit hindi nating ituon ang pansin natin sa pagpapalaganap ng kaisipang nauukol sa kapayapaan, sa pagkakawanggawa at ang pagsupil sa hindi makatuwirang mga patakaran na nauukol sa ekonomiya, pambasang patrimonya, at pakikidigma? Sa abang palagay — wala nang gaganda pa kaysa sa isang mundong lahat ay maunlad, lahat ay mapayapa, at lahat ay pantay-pantay. (What is the ideal world that we dream of? A world where is no one is hungry and thirsty; a world where no one dies because of illnesses that could easily be cured if there is just adequate and quality medical and health services available; a world without wars and chaos.

Actually, if we would just open our hearts, we could have this kind of world. To the member countries of the United Nations: why not focus on projects and programs that promote thoughts of peace and charity and abolishing those which promotes economic and political injustice and war? In my humble opinion, there is nothing more beautiful than a world where everyone has equal economic opportunities, everybody is at peace, and no one is above another). 

Forbidden

Let me hold you in the shadows
And let not the light, nearby show
Thy face — so innocent yet so tempting.
Let your smile be hidden by the darkness
Revealing only the silhouette of our souls –
Joined as one, on the altar of carnality.
Let our moans and groans be the hymn for Pan
And let us drink the ecstasy of lust and desire.
After the rituals, let’s forget our names,
Lest we need to do it again and again and again
In the middle of awakening the night
and the sleepiness of light.
Mea Culpa…

kuwentong Edsa

Gumuguhit sa gunita ang ilang habi ng kasaysayan. Subalit ang tanong ay gaano nga ba ito kahalaga sa nagmamadaling mga paa na laging ang habol ay pangarap at ang pantaboy sa kalam ng sikmura? (Larawan ng Edsa mula sa Wikipedia.com)

Gumuguhit sa gunita ang ilang habi ng kasaysayan. Subalit ang tanong ay gaano nga ba ito kahalaga sa nagmamadaling mga paa na laging ang habol ay pangarap at ang pantaboy sa kalam ng sikmura? (Larawan ng Edsa mula sa Wikipedia.com)

Sumagitsit, sumalampak sa espalto ang naghihingalong bus samantalang humalik sa island ang nabanggang kotse. Overspeeding, nagmamadali ang lahat — mga gulong, ulap, usok, alikabok, talampakan. Baka mahuli sa pupuntahan, sa usapan, sa lihim na pook-tipanan. Baka mabawasan ang kita kapag ba Continue reading

Saglit

Tila baga nawala ang lahat ng bagay na nasa paligid niya, invisible at ang tanging naroroon ay siya at ang isa pang anino.
Sa pagpasok nila sa kanikanilang mga templo, sa lagablab ng apoy ng kanilang marubdob na pagnanasa na kanilang panginoon ngayong pinagaalayan ng lahat ng sampalataya — ay naramdaman niya ang kahungkagan.

Bagaman tumugon ang kaniyang katawan at isipan sa bawat hugot at baon, sa bawat bayo na nakapagpapayanig, nakapagpaparko sa kaniyang katawan at nakapagpapabukas ng lahat ng kaniyang kamalayan ay para bang uling na nagbabagang unti-unting nagiging abo ang lahat.

Sa huling "Ohhhhhhhhhhhhh!" at sa pangwakas na mga "Ahhhhhhhhhhh!" at sa bawat deskripsiyon ng kasarapan ng ginagawa nilang ritwal sa munting kuwartong iyon ng isang kilalang otel sa Maynila — ay para bagang lumipad ang kaniyang isip at kaluluwa sa kung saang sulok ng uniberso. Naghahanap iyon ng kung anong bagay na makakapitan sapagkat nalulunod na nga siya ng kabalintunaan…

Lagi na lang bang ganito? ang tanong niya sa sarili. At sa pagbabalik ng kaniyang kamalayan ay makikita niyang tulog ang kaniyang kapatong kanina. Pagmamasdan niya iyon — oo kilala niya sa pangalan at sa kilos at sa galaw subalit hindi na niya kilala sa kaniyang kalooban.

Lahat ay pawang misa — ritwalistiko’t walang laman, hungkag na para sa kaniyang espiritu. At dahan-dahan siyang kumilos, inalis nang marahan ang bisig na nakayapos sa kaniya at nagtungo sa banyo para magbanlaw kahit sandali.

At walang kalansing ay nagbihis siya, lumabas ng pinto, sumakay sa elevator at parang lumilipad na tinungo ang lansangan sa harap ng otel, sumakay ng taksi at ayaw na niyang lumingon…

lumbay sa kawing ng mga ala-ala

Noong nagtuturo pa ako ng Filipino sa hindi marurunong mag-Filipino (karamihan ay dayuhan o dili naman kaya’y mga Pilipinong lumaki sa ibang bansa), isa lamang ang nakintal sa pahina ng mga ala-ala ko. Hindi ko na babanggitin ang kaniyang magandang pangalan, subalit nasusulat siya — malalim na tila mga titik sa lapidang marmol — sa aking puso’t gunita.

Paanong hindi? Sa mga mata niya makikita mo ang kinang ng kabutihan ng loob at pagpapakumbaba. Sino baga ang hindi mapalalapit sa napakaganda at napakabait na dalagita? Walang halong pagnanasa, walang halong kung anumang nakapagpaparumi ng isip at kaluluwa: subalit hindi ko na siya malilimutan siya kahit pa sabihin ako’y nalimot (o nilimot?) na niya. Malungkot akong maligaya … malungkot sapagkat hindi ko na makikita pa ang kaniyang pagtatagumpay sa kung anumang larangang tinahak niya (sa huling sulyap ko sa kaniyang Facebook account na hindi ko na rin ngayon matagpuan, siya’y nasa isang sikat na sikat na pamantasang pampubliko at kumukuha ng Fine Arts). Masaya dahil alam kong kahit kailan hindi na ako magkakaestudyante na kagaya niya: mabait, marangal, matalino, maganda, mapagpakumbaba, marunong, maalam… kahit pa nga sabihing siya’y may kahinaan subalit napakatibay ng kaniyang dibdib…

Hindi kita papangalanan subalit hindi ko malilimutan ang iyong mukha at pagkatao na kagay ang palayaw mo’y tunay na kay tamis, totoong kay puro…